Sinagot ng aktres na si Ellen Adarna ang ilang mga tanong ng netizen patungkol sa pasabog niyang hiwalayan nila ng mister na si Derek Ramsay, dahil umano sa cheating issue.
Naglabas ng mga screenshot ang aktres at model laban sa asawang aktor hinggil sa umano'y "cheating" nito sa kaniya noon pang 2021.
Ayon kay Ellen, naganap ang nabanggit na umano'y cheating incident siyam na araw matapos ang pagiging opisyal nilang mag-jowa noong Pebrero 4, 2021.
Tila na-trigger si Ellen na isiwalat ang tungkol sa mga resibo nang magbahagi si Derek ng isang post tungkol sa marriage, sa pamamagitan ng Instagram story.
Matatandaang naging usap-usapan ang tsikang tila hiwalay na ang dalawa matapos ang intrigang inunfollow umano ni Ellen sa Instagram account ang mister, at inalis pa niya ang apelyido nito.
Bukod dito, hinanap din ng mga netizen ang aktor sa birthday celebration ng kanilang anak.
Sagot naman ni Ellen, pinadalhan daw ng imbitasyon si Derek pero hindi raw siya nagpunta.
At nitong Lunes, Nobyembre 17, naglabas ng serye ng Instagram stories si Ellen na nagpapatunay raw sa umano'y infidelity ni Derek sa kaniya, noon pa mang bago pa lang ang relasyon nila.
“The audacity. Wow. The audacity era. Wow, sad boi era. Wow. Victim. Wow. Sympathy fishing. #manchild," mababasa sa text caption ng isa sa mga Instagram story ni Ellen.
Batay sa mga sunod-sunod na screenshots na pinakawalan ni Ellen, mahihinuhang may ibang babae o "side chick" na kausap si Derek kahit na naging opisyal na silang magkasintahan noong Pebrero 9, 2021.
“Nanahimik ka nalang sana. Because I’ve got receipts. This is just the beginning," ani Ellen sa isa niyang Instagram story.
Ayon pa kay Ellen, marami pa raw siyang resibo subalit ilalabas lamang niya sa right time at proper forum.
Nalaman lamang daw ni Ellen ang tungkol sa screenshots, tatlong linggo na ang nakalilipas, ngayong buwan ng Nobyembre. Isang kaibigan daw ang nagsabi sa kaniya.
Hindi raw ire-reveal ni Ellen kung sino ang umano'y side chick ni Derek batay na rin sa payo sa kaniya ng mga abogado niya. Pero nilinaw ni Ellen na hindi ito isa sa ex-girlfriends ng mister, kundi isa sa mga malapit na kaibigan nito.
"As much as I want to reveal who this girl is, my lawyers advised me not to. I can get in trouble. But to clarify she is not an ex-girlfriend; she is, I think a side chick. I know this girl has always been there, they've been friends for decades, she's always been there," ani Ellen sa isa sa mga video na ibinahagi niya sa Instagram story.
Maki-Balita: 'Nanahimik ka na lang sana!' Ellen, nagpasabog ng mga resibo sa umano'y cheating ni Derek
Itinanggi naman ni Derek ang mga alegasyon ni Ellen laban sa kaniya at sinabing hindi siya nag-cheat sa misis.
Maki-Balita: 'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'
Anyway, isang netizen naman ang nagtanong kay Ellen kung nag-apologize ba sa kaniya si Derek o "nang-gaslight."
"Did he apologize, or did he just gaslight you to the max?" tanong nito.
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna/IG
Sagot naman ni Ellen sa pamamagitan ng Instagram story, "He blames everything, everyone, but himself. He was able to convince his friends and people that it’s my postpartum.”
“He’s convinced that an ex-girlfriend made him kulam. All of a sudden there was this bowl of salt with garlic in it."
“Me and my friends, and helpers before were like ‘oh, like ano ‘to? Bakit ganiyan? Bakit may salt? Bakit may bowl of salt with garlic?’ and then sinabi no'ng isang katulong ‘ay pinalagay diyan kasi baka may nangkulam' so parang pang anti-kulam,” paliwanag pa ni Ellen.
“Blame it on the kulam."
Sumunod, ipinakita naman ni Ellen ang larawan ng maliit na mangkok na may lamang asin at bawang sa ibabaw nito na sinasabing pangontra sa kulam.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Derek tungkol dito.