Naglabas ng mga screenshot ang aktres at model na si Ellen Adarna laban sa kaniyang mister na si Derek Ramsay, hinggil sa umano'y "cheating" nito sa kaniya noon pang 2021.
Ayon kay Ellen, naganap ang nabanggit na umano'y cheating incident siyam na araw matapos ang pagiging opisyal nilang mag-jowa noong Pebrero 4, 2021.
Tila na-trigger si Ellen na isiwalat ang tungkol sa mga resibo nang magbahagi si Derek ng isang post tungkol sa marriage, sa pamamagitan ng Instagram story.
Matatandaang naging usap-usapan ang tsikang tila hiwalay na ang dalawa matapos ang intrigang inunfollow umano ni Ellen sa Instagram account ang mister, at inalis pa niya ang apelyido nito.
Bukod dito, hinanap din ng mga netizen ang aktor sa birthday celebration ng kanilang anak.
Sagot naman ni Ellen, pinadalhan daw ng imbitasyon si Derek pero hindi raw siya nagpunta.
At nitong Lunes, Nobyembre 17, naglabas ng serye ng Instagram stories si Ellen na nagpapatunay raw sa umano'y infidelity ni Derek sa kaniya, noon pa mang bago pa lang ang relasyon nila.
“The audacity. Wow. The audacity era. Wow, sad boi era. Wow. Victim. Wow. Sympathy fishing. #manchild," mababasa sa text caption ng isa sa mga Instagram story ni Ellen.
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Batay sa mga sunod-sunod na screenshots na pinakawalan ni Ellen, mahihinuhang may iba umanong babae o "side chick" na kausap si Derek kahit na naging opisyal na silang magkasintahan noong Pebrero 9, 2021.
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
“Nanahimik ka nalang sana. Because I’ve got receipts. This is just the beginning," ani Ellen sa isa niyang Instagram story.
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Ayon pa kay Ellen, marami pa raw siyang resibo subalit ilalabas lamang niya sa right time at proper forum.
Nalaman lamang daw ni Ellen ang tungkol sa screenshots, tatlong linggo na ang nakalilipas, ngayong buwan ng Nobyembre. Isang kaibigan daw ang nagsabi sa kaniya.
Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna (IG)
Hindi raw ire-reveal ni Ellen kung sino ang umano'y side chick ni Derek batay na rin sa payo sa kaniya ng mga abogado niya. Pero nilinaw ni Ellen na hindi ito isa sa ex-girlfriends ng mister, kundi isa sa mga malapit na kaibigan nito.
"As much as I want to reveal who this girl is, my lawyers advised me not to. I can get in trouble. But to clarify she is not an ex-girlfriend; she is, I think a side chick. I know this girl has always been there, they've been friends for decades, she's always been there," ani Ellen sa isa sa mga video na ibinahagi niya sa Instagram story.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Derek tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.