Pinapauwi ng Ombudsman si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa gitna ng mga rebelasyon ng huli sa mga umano'y malawakang korapsyon sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Office of the Ombudsman nitong Sabado, Nobyembre 15, sinabi nito na may tamang daloy ang seryosong imbestigasyon.
"Sa bawat seryosong imbestigasyon, may tamang daloy: ang mga testigo ay lumalapit, nagsusumite ng salaysay, at dumadaan sa masusing beripikasyon. Mabagal man ito minsan, ito ang tanging paraan para masigurong ang hustisya ay matibay, hindi haka-haka," saad ng Ombudsman.
Giit pa nito, "Pero pinili ni G. Zaldy Co na umiwas sa prosesong ito. Sa halip na magsalaysay sa tanggapan, inilalabas niya ang kanyang kuwento sa mga video at social media. Dahil dito, kailangan naming huminto at suriin ang bawat sinabi — dahil lahat ng testigo, walang espesyal, ay dumadaan sa parehong pagsusuri."
Sinabi rin ng Ombudsman na matagal nang bukas ang pinto nito para kay Co, at kung natatakot daw itong umuwi ay bukas din silang magbigay ng proteksyon.
"Matagal nang bukas ang pinto ng Ombudsman sa kanya. Matagal na rin naming hinihiling na ipresenta niya ang kanyang ebidensya nang maayos. At kung ang dahilan ng pag-iwas ay takot, malinaw naming sinasabi: handa po kaming magbigay ng proteksyon. Ang kaligtasan ng isang testigo ay mahalaga sa katotohanan na hinahanap natin."
Sa huling bahagi ng pahayag, pinauuwi ng Ombudsman si Co at isumite ang salaysay nito.
"G. Co — umuwi kayo. Isumite ang inyong salaysay. Ipaberipika ang inyong mga pahayag. Sumailalim sa parehong proseso na pinagdadaanan ng lahat. Kung tunay na layunin ninyo ang hustisya, dito iyon magsisimula — hindi sa ingay, kundi sa tamang proseso."
Bago ang pahayag na ito, hinamon muna ni Co ang Ombudsman patungkol kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, sa ikalawang bahagi ng inilabas niyang video.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita: