Hinamon ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co si Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla patungkol kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, sa ikalawang bahagi ng inilabas niyang video nitong Sabado, Nobyembre 15.
Sa bagong video statement niya sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Nobyembre 15, 2025, ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento tungkol sa ₱100 bilyong budget insertion na may kaugnayan daw kina PBBM at sa dating House Speaker.
KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Sa nabanggit na video, pinatotohanan din ni Co ang tungkol sa umano'y pagde-deliver ng male-maletang pera sa tahanan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at ex-House Speaker Martin Romualdez sa North at South Forbes Park.
Pinatotohanan ni Co ang umano'y mga naging testimonya ni Orly Guteza patungkol dito, nang humarap siya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, kung saan inamin niyang umano'y nag-deliver sila ng male-maletang pera sa Forbes Park, gayundin sa Malacañang.
'Yong mga deliveries po ay merong record ang aking mga tao. Totoo po 'yong sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Forbes Park. Totoo din po ang sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Malacañang no'ng siya ay nasa Senado."
Sa dulo ng video, nag-iwan naman siya ng hamon kay Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla.
Pahayag ni Zaldy Co, "Kaya ngayon ay hinahamon ko si Ombudsman Remulla, kung seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya sa kaniyang press release na idadamay niya pati si Martin Romualdez, kung magbibigay ako ng ebidensya."
"Patunayan niya ngayon ang pronouncement niya na iimbestigahan niya ang fraternity brod ang kaniyang kaibigan na si [dating] Speaker Martin Romualdez kung talagang tutupad siya sa tungkulin niya," dagdag pa ni Co.
"Imbestigahan din niya si President Bongbong Marcos, sabi nga ni BBM noong SONA, 'Let's do it right. At mahiya naman kayo,' hindi po ba?'" dagdag pa niya.
"Nananawagan din po ako sa Senado na imbestigahan ang ₱100 billion insertion ni Presidente, alam ko po na hindi gagawin ni Ombudsman Remulla ang hamon ko. Pero magaling ang Senado sa imbestigasyon at ako ay naniniwala na dahila sa kanila, lalabas ang katotohanan," giit pa ni Co.
Samantala, wala pang inilalabas na reaksiyon, tugon, o pahayag ang Palasyo at maging si Romualdez tungkol dito.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita: