December 12, 2025

Home BALITA National

Usec. Castro, tiwala raw na matatalino mga INC; 'di pupuntiryahin si PBBM

Usec. Castro, tiwala raw na matatalino mga INC; 'di pupuntiryahin si PBBM
Photo courtesy: RTVM (YT), BALITA FILE PHOTO

Tiwala umano si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi pupuntiryahin ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa ikakasa nilang kilos-protesta sa Nobyembre 16-18, 2025. 

Ayon sa isinagawang press briefing ng Palasyo sa pangunguna ni Castro nitong Biyernes, Nobyembre 14, sinabi niyang matatalino, maka-Diyos, at makabayan daw ang mga miyembro ng INC.

“Alam ko naman po na ang mga miyembro ng INC ay matatalino, maka-Diyos, makabayan,” pagsisimula niya. 

Ani Castro, tiyak daw niyang natutukoy ng mga miyembro ng nasabing religious group kung sino ang umano’y nagsisinungaling. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“So alam po nila kung sino [ang] nagsisinungaling at alam po nilang kung sino ang tunay na nagtatrabaho para sa bayan,” giit pa niya. 

Pahabol pa ni Castro, tila ibinida pa niya na wala raw maraming air assets si PBBM. 

“Tandaan natin, walang ganiyang karaming air assets ang Pangulo,” pagtatapos niya. 

Matatandaang tahasang nagsalita si Co na nag-utos diumano si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Sa isang video na inilabas ni Co sa kaniyang social media account, tahasan niyang sinabi ang tungkol sa planong insertion. 

"Nagsimula ito no'ng tumawag si [DBM] Sec. Amenah Pangandaman sa akin no'ng nag-umpisa ang BiCam process last year 2024. Ang sabi niya katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng ₱100-billion worth of projects sa BiCam," saad ni Co.

"Sinabi pa ni Sec. Amenah, you can confirm with Usec. Adrian Bersamin dahil magkasama sila ni Pangulong BBM noong araw na 'yon. Tinawagan ko po agad si Usec. Adrian Bersamin at tinanong ko kung may instruction nga ba ang pangulo na magpasok ng ₱100 billion during their meeting. Ang sabi niya ay totoo nga po," dagdag pa ng dating kongresista.

Bukod dito, isiniwalat din ni Co na si Romualdez umano ang nag-utos sa kaniya na manatili sa ibang bansa at huwag bumalik ng Pilipinas. 

MAKI-BALITA: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi

Samantala, nakatakdang magkasa ng tatlong araw na kilos-protesta ang INC sa darating Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 18, 2025, sa Quirino Grandstand sa Manila.

Layunin umano nilang ipanawagan ang isang tama at hayagang imbestigasyon tungkol sa maanomalyang flood-control projects at iba pang climate-tagged projects mula sa kontrobersyal na trilyong-piso na umano’y nawala dahil sa korapsyon. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita