December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!

Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (FB)/AJ Raval (IG)

Umamin na ang aktres na si AJ Raval na may anak na sila ng karelasyong si Aljur Abrenica, sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, Nobyembre 12.

Diretsahang tanong ni Boy Abunda, ay kung totoo bang may dalawang anak na sila ni Aljur.

Emosyunal na sagot ni AJ, "Actually Tito Boy, lima na po. I have 5 kids."

Nang ipaliwanag, sinabi ni AJ na may nauna na siyang dalawang anak sa dating karelasyong hindi pinangalanan.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ang panganay raw niya na pitong taong gulang na ay isang babae, na ang pangalan ay Ariana.

Ang pangalawa naman ay si Aaron subalit "angel" na raw ito matapos pumanaw.

Hindi naman tinukoy ni AJ kung sino ang ama ng nauna niyang mga anak.

Kay Aljur naman, may tatlo na siyang anak na sina Aikina na panganay nila, sumunod ay si Junior, at ang bunso naman ay si Abraham.

Matatandaang nauna nang nabuking ang tungkol dito dahil sa tatay ni AJ na si Jeric Raval, matapos "madulas" sa pagkakaroon ng apo kina AJ at Aljur.

Nang matanong naman tungkol dito si Aljur, sinabi niyang hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol sa mga anak nila ni AJ.

Matatandaang kamakailan lamang, napag-usapan na ang "soft launch" ni AJ sa isa sa mga anak nila ni Aljur, nang tila isama niya ito sa photoshoot ng kaniyang Darna peg para sa Halloween.

Hindi naman sinagot nina AJ at Aljur kung ang batang nakatalikod na flinex ng una ay anak nila.

Matatandaang todo-tanggi noon si AJ sa mga espekulasyong buntis siya, matapos ang pagchika rito ni showbiz insider Cristy Fermin.

KAUGNAY NA BALITA: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!