December 12, 2025

Home BALITA National

Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta

Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Isinawalat sa publiko ng abogado ni dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co na natatakot daw bumalik sa bansa ang kaniyang kliyente dahil sa mga natatanggap umano nitong pagbabanta. 

Ayon sa isinagawang press briefing ng legal counsel ni Co nitong Miyerkules, Nobyembre 5, ipinaliwanag ni Atty. Ruy Rondain na hindi raw niya alam kung kailangang dumalo ni Co sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee dahil wala namang mga akusasyon laban sa kaniya. 

“I don’t know what he has to explain to the Senate because the Senate is [an] investigating facts, wala pa namang accusation sa Senate,” paglilinaw ni Rondain. 

Isinapubliko rin niya ang dahilan kung bakit hindi bumabalik ng bansa si Co. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Like I said, he’s deathly afraid of coming home because may serious threats to his life,” saad ng abogado. 

Paghahalimbawa pa ni Rondain, “one half of the country wants to throw him in jail and throw away the key. The other half wants to string him up by the nearest tree?” 

Aniya, hindi na rin niya inirekomenda kay Co na bumalik sa bansa dahil sa ganitong mainit na sitwasyon. 

“Would you come home under those circumstances? I wouldn’t recommend he come home,” giit pa niya. 

Ayon pa kay Rondain, nais din umano ni Co na makauwi at masagot mismo ang mga katanungang ugnay sa kaniya ngunit may mga seryosong pagbabanta raw talaga siyang natatanggap kaya hindi pa ligtas ang lumabas sa panahon ngayon. 

“Rep. Co would have wanted to be here himself so he can answer your questions, unfortunately, there are credible and serious threats to his life na he's really afraid to come out at this time,” anang legal counsel.

Samantala, nilinaw ni Rondain na hindi rin niya tukoy ang eksaktong bansa at lugar na kinaroroonan ngayon ni Co. 

“I don't know. Last I heard, he was in Boston for his medical,” paggigiit ni Rondain.

Matatandaang noong Setyembre 4, 2025, nang sabihin ni House Spox Princess Abante na nagtungo si Co sa Amerika para sa isang  extensive health consultation.

KAUGNAY NA BALITA: ‘For medical treatment?’ Rep. Elizaldy Co,kumpirmadong nasa labas ng bansa—House Spox

Habang sa hiwalay na pahayag naman nang igiit ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na nag-90/60 raw ang blood pressure ni Co kung kaya’t kinailangan niyang manatili sa Amerika matapos ihatid ang kaniyang anak.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, nag-90/60 BP kaya may 'extensive check-up' sa US—solon

Noong Setyembre 29 naman nang magbitiw sa puwesto si Co bilang kinatawan ng Ako-Bicol Party-list.

MAKI-BALITA: ‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto

Kabilang si Co sa mga kongresistang pinangalanan na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025

Bago pa man ito, nauna nang pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya si Co bilang isa sa mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata sa gobyerno.

MAKI-BALITA: DPWH Sec. Dizon sa 3 air assets ni Zaldy Co na wala na sa bansa: ‘Di sila maibebenta’

MAKI-BALITA: Zaldy Co, pumaldo ng ₱21B sa flood control projects!

Mc Vincent Mirabuna/Balita