December 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Oras na para bawasan n'yo 'yong mga ninakaw n'yo!'—Miss Catering

'Oras na para bawasan n'yo 'yong mga ninakaw n'yo!'—Miss Catering
Photo courtesy: Miss Catering (FB)

Hindi napigilan ng social media personality na si Miss Catering na magbigay ng mensahe sa mga "kurakot" matapos mabagsakan ng puno ng niyog ang kanilang lumang bahay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino nitong Martes, Nobyembre 4.

Ibinahagi kasi ni Miss Catering ang pasasalamat niya matapos makaligtas ang kaniyang madir sa tiyak na kapahamakan.

Aniya, mabuti na lamang daw at nailikas agad nila ang kaniyang ina, at nadala sa kanilang bagong bahay.

“Mabuti na lang na-evacuate si Inay sa bago naming bahay, kung hindi baka mabagsakan siya ng puno ng niyog malapit sa kwarto ko. Baka hindi na siya makalipad,” ani Miss Catering sa kaniyang post. “Keep safe everyone,” dagdag pa niya, sabay paalala sa kaniyang mga tagahanga na manatiling alerto sa gitna ng kalamidad.

Tsika at Intriga

Followers, nagulat: Pambansang Kolokoy may cancer, nasa 2nd cycle na ng chemo!

Sa isa pang video ay nagawa pang magpatawa ni Miss Catering hinggil dito.

"Mabuti na lang maaga pa lang pina-evacuate namin si Inay. Pinalipad namin siya doon sa bagong bahay namin. Kung hindi siya nag-evacuate, baka nabagsakan siya ng niyog. Madudurog 'yong katawan niya, mahahati. Hindi na siya makakalipad tuwing alas dose, kasi mababagsakan siya ng landingan niya, 'yong puno ng niyog diyan, landingan niya 'yan."

"Kaya keep safe everyone, mabuti na lang at safe ang family ko, kompleto pa, naka-inventory."

May mensahe naman siya sa mga "kurakot" na politiko.

"Oras na para bawasan n'yo 'yong mga ninakaw n'yo. Magbigay naman kayo ng relief doon po sa mga naapektuhan ng bagyo. Ito na ang tamang panahon at oras para i-share n'yo ang blessing," aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: 'Buti na lang na-evacuate agad si Inay!' Lumang bahay ni Miss Catering, nabagsakan ng puno ng niyog