May mensahe ang aktres at komedyanteng si Iyah Mina sa samu't saring reaksiyon at komentong natanggap niya dahil sa Facebook post niya noong Linggo, Nobyembre 2.
Nag-viral ang post ni Iyah nang i-share niya ang umano'y "misgendering" na naranasan niya sa isang sikat na coffee shop, sa branch nito sa West Avenue, Quezon City.
Batay sa post ni Iyah, bumili raw siya sa drive-thru ng coffee shop at paulit-ulit na "Sir" ang itinawag sa kaniya ng kumuha ng order niya.
Sentimyento ni Iyah, makailang beses na raw siyang tinanong kung "Sir" o "Ma'am" ang itatawag sa kaniya, at sinagot naman niya.
Punto ni Iyah, okay lang na magkamali ng tawag subalit pinaulit-ulit pa rin daw kahit na tila naituwid na niya.
"Starbucks Starbucks Philippines west avenue quezon city ! Kaloka kayo ha! Okay lang naman na magkamali ng tawag! Paulit ulit lng talaga un tawag na Sir.. kung hindi alam itatawag na pronoun eh wag ng itawag.. tinanong mo pa ako ulit Sir ba o mam talaga ba? Kapal ng blush on ko! Etong masama pakiramdam ko dai.. KAUSAPIN NIYO UN D.T.O at nasa cashier!
Ganito itsura ko nag drive thru oh! Hahahaha." mababasa sa post ni Inah.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"This is exactly why awareness and sensitivity training are so important. No one should have to explain their identity over and over."
"It's really offending na tawagin Kang Sir, di nyo nmn ma pli please kung tawagin kayung sir, maybe kulang lang Sila sa Orientation, baka nalito lang Sila, or sadyang ininssit nila para pahiyain ka, idk kung Ang Starbucks ay against sa LGBT knowing na Meron din Naman Silang LGBT na crew across the world, Dito sa Pinas Pinoy kapwa Pinoy ilalag lag ka, or na imbyerna saiyo Mami iyah Basta Mami iyah lahat Naman Ng cross dresser, trans woman,transgender eh mam Talaga Ang itawag kahit Sabihin na Entitled, but now a days it's normal na tawaging mam for Formality at Pag Respeto."
"Bakit ba big deal kung sir or maam? Eh sir ka nman talga. Kabawasan ba yan sa pagkatao mo?"
"Iyah Mina Be fair din Mima. Pag drive thru, boses lang ang naririnig initially, eh hindi nman feminine ang boses mo. Kaya obvioulsy, pag nakita na ang face mo, natural na magtatanong kung mam ba o sir. Nakakainis lang din kc binibigyan nyo ng burden yung mga tao and you are holding people accountable para sa personal preference nyo. And the fact na nagtnong siya kung sir or mam, I think he is reasonable. That’s not fair!"
"Hello Starbucks Philippines she's a wonan... A BEST-ACTRESS one!!!"
Sa panibagong Facebook post ni Iyah, sinabi niyang hindi siya galit sa lahat ng masasakit na salitang ipinukol sa kaniya, lalo na ang mga nagsasabing masyadong "entitled" ang kaniyang naging reaksiyon.
"Hindi ako galit or anything sa mga sinasabi niyo okay lang po.. Lahat may karapatan na sabihin kung anu gusto nila," aniya.
"Maganda Umaga sa Lahat . masarap gumising ng may ngiti sa Labi at magpasalamat sa Lahat ng blessings na dumarating.. Lord hindi ako Mabait pero mabuti ang puso ko. Hindi man alam ng karamihan pero alam kong alam mo yun Lord.. Kaya salamat Lord andiyan ka para pakalmahin ako. DASAL LANG TALAGA…"
"Godbless Sa Lahat! Happy Monday. Anung masarap na ulam? Makapagluto na nga lang para happy ang Life.." aniya pa.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang pamunuan ng coffee shop sa West Avenue, QC branch kaugnay sa isyung ito.
KAUGNAY NA BALITA: Iyah Mina, naloka sa coffee shop matapos tawaging 'Sir:' 'Kapal ng blush on ko!'