January 26, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘Kontaminado?’ Thai FDA, nagbabala kontra paggamit ng Hong Thai Mixed Balm inhaler

‘Kontaminado?’ Thai FDA, nagbabala kontra paggamit ng Hong Thai Mixed Balm inhaler

Naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) ng Thailand laban sa kilalang Hong Thai Herbal Mixed Balm Formula 2 (registration blg. G309/62) na gawa ng Hong Thai Panich, matapos makitaan ng  kontaminasyon sa mga sample ng produkto.

Ayon sa ulat ng Bangkok Post, kinuha ang mga sample ng nasabing inhaler mula sa pasilidad ng paggawa at ipinadala sa Department of Medical Sciences para sa pagsusuri.

Lumabas sa resulta ng pagsusuri na lumampas sa pinahihintulutang antas ang produkto sa tatlong kategorya—total aerobic microbial count, total combined yeasts and mold count, at Clostridium spp.

Dahil dito, idineklara ng Thai FDA na hindi pumapasa sa pamantayan ang produkto sa ilalim ng Herbal Product Act of 2019.

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

Sa opisyal na pahayag ng Hong Thai Panich noong Oktubre 28, sinabi ng kumpanya na inaalis na nila sa merkado ang mga produktong kabilang sa kontaminadong batch.“The product is not in compliance with manufacturing and safety regulations and should not be consumed under any circumstances," anang Deputy Secretary-General and acting FDA head Withit Supachaiyagul sa media.

Ang nasabing batch, na may production batch No. 000332, ay binubuo ng humigit-kumulang 200,000 yunit na ginawa noong Disyembre 9, 2024, at may petsa ng expiration sa Disyembre 8, 2027.

Samantala, kinilala naman ng Hong Thai Panich ang naturang resulta ng pagsusuri ng Thai FDA.“The Company fully acknowledges and accepts the results of the FDA’s inspection with utmost respect,” ang kompanya

Dagpag pa nito, “We have already recalled all affected products from the market and are coordinating with the FDA to proceed with the destruction of the recalled batch as soon as possible. The exact date of destruction will be officially announced later.”

Ayon pa sa Hong Thai Panich, pinalakas na nila ang kanilang proseso ng produksyon at kontrol sa kalidad, kabilang ang paggamit ng UV sterilization, upang matiyak na ligtas at mataas ang kalidad ng lahat ng kanilang produkto.

Maaari na rin daw humingi ng refund ang mga customer na nakabili ng nasabing produkto.

Samantala, pinaalalahanan ng FDA Philippines ang publiko na bisitahin ang kanilang opisyal na website upang makumpirmang aprubado sa pamantayan ng FDA ang anumang produktong balak gamitin.