Patay sa pamamaril ng motorcycle-riding gunmen ang dating empleyado ng National Irrigation Administration (NIA)-Region 10 sa Cagayan de Oro City, noong Biyernes, Oktubre 10.
Ang nabanggit na empleyado na si Niruh Kyle Antatico, 40-anyos at isang Juris Doctor graduate, ay kilala sa pagsisiwalat ng mga umano'y katiwalian sa mismong ahensyang dating pinaglilingkuran.
Siya ay dating legal researcher III ng NIA-Northern Mindanao.
Batay sa mga ulat at imbestigasyon, dakong 7:00 ng gabi nang tambangan ng gunmen si Antatico sa Zone 1, Crossing Patag habang nagmamaneho ng kaniyang Nissan sedan.
Humugot ng baril ang back rider at saka pinaulanan ng bala ang biktima. Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang biktima at bumangga sa likurang bahagi ng isang trak. Agad daw siyang isinugod ng mga tauhan ng Oro Rescue sa J.R. Borja General Hospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Nagsasagawa na ng follow-up investigations at manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek.
Agad namang kinondena ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan ang nangyaring pagpaslang kay Antatico, na kilala sa pagsisiwalat ng mga umano'y iregularidad at korapsyon sa proyekto ng NIA.
Mababasa sa kaniyang Facebook post, "I am deeply shocked and profoundly saddened by the brutal killing of my fraternal brother, Niruh Kyle Antatico — a committed crusader for good public service, truth, and justice. Niruh devoted his life to exposing wrongdoing and holding power to account; his courage and bravery inspired many and strengthened our community’s faith in principled public action."
"That he was gunned down by men riding in tandem in Barangay Patag is an appalling attack not only on one man but on the very ideals he stood for. As the congressman of the district where this cowardly act occurred, I condemn in the strongest possible terms this malicious and senseless violence, carried out to intimidate truth-tellers and men of principle.
I call on law enforcement to conduct a swift, transparent, and thorough investigation so that justice may be delivered at the soonest possible time. Those who plotted and carried out this brutal killing must be found, prosecuted, and made to answer fully for their crimes."
"To Niruh’s family: please accept my deepest condolences. I share your grief and your outrage, and I stand with you in seeking the truth and ensuring that his sacrifice does not go unanswered. May Niruh’s memory continue to inspire our fight for truth, accountability, and the protection of those who speak out for the common good," pakikiramay pa niya.
Photo courtesy: Screenshot from Lordan Suan/FB
Isang nagngangalang "Atty. Bagani Llesis" naman na fraternal brother din ni Antatico ang nagpahayag din ng pagkondena sa nabanggit na pamamaslang.
Ayon sa post niya, kilala niya si Antatico bilang kaisa-isang taong nag-alay ng buhay niya para isiwalat ang mga umano'y "ghost projects" sa NIA.
"The country must know, one man has offered his life to expose ghost projects, this time, not in the DPWH, but in the National Irrigation Administration (NIA)," aniya.
Kahit daw nakakatanggap ng banta sa buhay niya si Antatico, hindi pa rin siya tumigil sa pag-iingay laban sa mga umano'y anomalya sa nabanggit na ahensya.
"Yesterday, a fraternal brother NIRUH KYLE D. ANTATICO, J.D. fell to an assassin's bullet. His eyes and ears were not 'buta bungol.' He received threats when he exposed anomalies in his workplace, yet he did not remain silent."
"He died young, just like our heroes Jose Rizal and Andres Bonifacio. Like them, he stood up for what he saw as right."
"If there is still hope in our country, we must condemn the killing and find justice. I pray that our authorities, will also stand for what is right and let the long arm of the law catch all the culprits. No aim but justice! Rest in peace brod," aniya pa.
SOCIAL MEDIA POSTS NI ANTATICO
Ibinahagi rin ni Llesis ang ilan sa screenshots ng Facebook posts ni Antatico na nangangalampag sa mga administrador ng NIA at NIA-Northern Mindanao hinggil sa mga umano'y iregularidad sa proyekto ng ahensya.
Isa na riyan ang hinggil sa proyektong hindi umano nagamit ng mga magsasaka, gayong umano'y nakompleto na ito noon pang 2022.
Ang nabanggit na proyekto ay tinawag na "Project POW" na sinasabing ginastusan sa halagang ₱75M. Nabanggit ni Antatico sa post na tila hindi raw na-test run ang nabanggit na proyekto dahil "putol-putol" ang mga bahagi dahil daw sa umano'y project abandonment.
Photo courtesy: via Atty. Bagani Llesis/FB
PAHAYAG MULA SA NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION
Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang NIA-Northern Mindanao sa kanilang Facebook page kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa kanilang dating empleyado. Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa mga naulila ni Antatico.
Mariin nilang kinondena ang nangyari kay Antatico, at sinabing walang lugar sa kanilang ahensya ang alinmang katiwalian at anomalya.
Nangako naman silang iimbestigahan ang nangyari kay Antatico gayundin ang mga iregularidad na isiniwalat nito, dahil hindi lamang daw ito ang unang beses na narinig nila ang mga reklamo patungkol sa ilang mga proyekto nila.
"The National Irrigation Administration (NIA) Northern Mindanao Regional Office extends its deepest condolences to the family and loved ones of Mr. Niruh Kyle Antatico, who was a previous employee of the Agency," anila.
"We are aware of recent social media posts, raising concerns about certain NIA projects in the region. In response to these concerns, we want to reassure the public that these matters are being handled seriously."
"The NIA Top Management has already initiated a comprehensive review and verification process in collaboration with relevant offices and appropriate authorities. This is not the first time such concerns have been addressed, and the Agency continues to prioritize transparency and accountability in all of its operations."
"NIA Northern Mindanao does not tolerate any form of irregularity in the implementation of its programs and projects. We remain committed in upholding the principles of transparency, integrity, and accountability in public service."
"We leave it with enforcement agencies that conduct investigation. We respectfully urge the public to avoid speculations and allow due process to take its course," ayon pa sa kanila.
Photo courtesy: NIA-Northern Mindana/FB
Nagpaabot din ng pakikiramay at pagkondena sa pamamaslang si NIA Administrator Eddie G. Guillen, sa pamamagitan ng Facebook post nitong Linggo, Oktubre 12.
Aniya, hangad niya ang paglabas ng katotohanan tungkol sa mga umano'y iregularidad sa ahensya, at hustisya naman para kay Antatico.
"Lubos ko pong ikinalulungkot ang pagpanaw ni G. Niruh Kyle D. Antatico, dating kawani ng National Irrigation Administration – Northern Mindanao (NIA Region X). Sa ngalan ng buong NIA Family, ipinaaabot ko po ang aming taus-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga minamahal."
"Ang kanyang pagpanaw ay isang malungkot na pangyayari na nagdulot ng pag-aalala at katanungan sa publiko. Sa ganitong panahon ng dalamhati, hangad po namin ang katarungan at katotohanan, hindi lamang bilang paggalang sa kanyang alaala, kundi bilang bahagi ng aming paninindigan para sa integridad at pananagutan sa serbisyo publiko."
"Kasama ng buong Ahensiya, suportado po namin ang isang patas at masusing imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nangyari. Nananawagan po kami sa publiko na igalang ang due process of law at iwasan ang mga haka-haka na maaaring makaapekto sa pag-usad ng imbestigasyon."
"Ang anumang isyung inilahad noon ni G. Antatico ay hindi po tinatalikuran ng ahensya. Ito po ay patuloy naming tinutugunan bilang bahagi ng transparency at good governance. Sa kasalukuyan, ang NIA ay nagsasagawa po ng masusing pagsisiyasat sa mga proyektong nabanggit sa kanyang reklamo."
"Tulad ng bawat isa, ang hangad po namin ay katotohanan at hustisya. Muli, ang amin pong dalangin ay lakas at kapanatagan para sa kanyang mga naulilang mahal sa buhay. Nawa’y malaman po natin ang katotohanan at makamit ang katarungan sa likod ng pangyayaring ito," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from Eddie Guillen/FB
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang update mula sa pulisya kung nasukol na ba ang mga suspek at kung sino ang mastermind sa likod ng pamamaslang.