May 22, 2026

Home BALITA National

PBBM, pinangunahan panunumpa ng bagong promote na AFP generals at flag officers, FPCTI graduates

PBBM, pinangunahan panunumpa ng bagong promote na AFP generals at flag officers, FPCTI graduates
Photo courtesy: PP POOL/Marianne Bermudez at Revoli Cortez/via MB

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong naitalagang heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Batch 2, gayundin ng mga nagtapos mula sa Foreign Pre-Commissioned Training Institutions (FPCTI), sa isang seremonya na idinaos sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace nitong Miyerkules, Oktubre 1.

Sa Facebook post ng Pangulo, ang seremonya ay nagmarka ng isang mahalagang yugto sa karera ng 29 na bagong heneral at flag officers ng AFP, at 14 na graduates ng FPCTI.

Sa ilalim ng FPCTI program, ang mga kadete mula sa Philippine Military Academy (PMA) at iba pang institusyon ng pagsasanay ng AFP ay sumasailalim sa pagsasanay sa mga akademyang militar at training institutions sa mga bansang kaalyado ng Pilipinas tulad ng Amerika, Japan, at Australia.

Layunin ng programang hubugin ang mas mataas na kasanayan ng mga kadete, bigyan sila ng mahalagang karanasan sa ibang bansa, at magbukas ng mas maraming oportunidad upang patatagin ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa. Sa kanilang pagbabalik, sila ay nakahandang magsilbing mga opisyal ng AFP na may mas malawak na kaalaman at pananaw sa pandaigdigang seguridad at kooperasyon.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato