December 13, 2025

Home BALITA National

'Wala akong kinalaman diyan!' basag ni Revilla sa pasabog ni Alcantara

'Wala akong kinalaman diyan!' basag ni Revilla sa pasabog ni Alcantara
Photo courtesy: via Balita

Pinabulaanan ng dating senador na si Ramon "Bong" Revilla,Jr. ang mga paratang na ibinabato sa kaniya kaugnay ng umano’y iregularidad sa maanomalyang flood control projects.

Si Revilla ang bagong pangalang lumutang kaugnay ng nabanggit na maanomalyang proyekto, matapos siyang banggitin sa binasang sinumpaang salaysay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engr. Henry Alcantara, sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing, Martes, Setyembre 23.

Ayon kay [dating DPWH] Usec. [Roberto] Bernardo ang GAA insertions noong 2024 na nagkakahalaga ng P300M ay para kay Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na noon ay kumakandidato bilang senador para sa 2025 senatorial elections," saad ng dating DPWH District Engineer.

"Sinabihan ako ni Usec. Bernardo na 'Henry kay Sen. Bong yan baka gusto mo tumulong sa kanya e dagdagan mo ang proponent ikaw na bahala!' Sinabi ko po kay Usec. Bernardo na 'Sige po boss wala po problema!' Kaya po imbes na 25% ay naging 30% ang naging proponent ng nasabing mga proyekto bilang tulong ko na din sa kandidatura ni Sen. Bong Revilla," dagdag pa ni Alcantara.

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Gayunman, giit pa niya, hindi niya raw nakausap kailanman si Revilla.

"‘Yon po ay ayon kay Usec. Bernardo. Never ko pong nakakausap si Senator Bong Revilla, never po," ani Alcantara.

Bukod kay Revilla, nabanggit din ni Alcantara sina Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, at Ako-Bicol Rep Zaldy Co na mga nakakuha umano ng kickback at insertions sa flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Bong Revilla, nakatanggap umano ng pera mula sa flood control projects, siwalat ni Henry Alcantara

Samantala, ayon sa ulat ng News 5, mariing itinanggi ni Revilla ang mga akusasyon ni Alcantara at sinabing wala siyang kinalaman dito.

"I deny. Wala po akong kinalaman diyan," saad umano ni Revilla tungkol dito.

Matatandaang hindi pinalad na mare-elect si Revilla sa nagdaang midterm elections noong Mayo.