December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Mas okay na magsalita kesa manahimik!' Viy Cortez na-bash matapos makiisa sa rally

'Mas okay na magsalita kesa manahimik!' Viy Cortez na-bash matapos makiisa sa rally
Photo courtesy: Viy Cortez-Velasquez (FB)

Umani ng reaksiyon mula sa mga netizen ang Facebook post ng influencer na si Viy Cortez-Velasquez, misis ng social media personality na si "Cong TV," matapos niyang makiisa sa naganap na "Trillion Peso March" kontra korapsyon sa pamahalaan, Linggo, Setyembre 21.

Ibinahagi ni Viy ang ilang mga larawan kung saan makikita ang ilang mga taong nakiisa sa nabanggit na peace rally; kabilang ang ilang mga raliyistang may hawak na naghuhumiyaw na placards.

Isa sa mga nakasaad sa placard ay ginawang caption ni Viy sa kaniyang post.

"PUTANG INA NAKAW PA!" aniya.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Agad na nag-viral ang kaniyang post at shinare ng mga netizen, na tila hindi nagustuhan ang kaniyang umano'y pakikiisa sa rally.

Hindi kasi naiwasan ng maraming netizen na balikan ang naging pagsuporta nina Viy at Cong sa ilang mga politiko at partylist sa nagdaang halalan.

Narito ang ilan sa mga kuda ng bashers:

"GG, sana d ka nalang nagpost haha."

"laro, sino nga ulit in-endorse niyo last election?"

"the audacity"

"Hoy Viy isa ka pa, kala mo talaga no, na para bang hindi niya inendorso si... HAHAHAHA"

"turn on mo comments mo ate para mamura ka namin"

"sino nga ulit inendorse niyo teh"

"tumigil kana vy!! baka di kita matanchaaa ngayon. shut up ka nalang dyan ante"

Samantala, sa isa pang Facebook post, mukhang aware si Viy sa pagkuyog ng netizen sa kaniya, kaya naglabas siya ng isang paliwanag hinggil sa naging pagsuporta nila sa rally.

Aniya, "Sa totoo lang natatakot kami mag asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin."

"Pero mas okay na magsalita kesa manahimik!"

"Tatanggapin ko lahat ng panlalait mura at kung ano ano pa. Kung yun ang ikagagaan ng nararamdaman niyo.

"Basta Pare parehas tayo ng gusto. matupad ang birthday wish ni Ms Kara David! Hinding hindi ako mag sisisi na sa wakas nagamit ko tong fb ko ng tama! Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong PUTANG INA NAKAW PA!" aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Viy Cortez-Velasquez (FB)

Sa isa pang Facebook post, "Nababash ako noon, At ngayon nanaman ulit. Tanggap ko ng buong puso dahil alam ko san ako nagkamali. Ang pinagkaiba lang ngayon mas malaya sa pakiramdam. Tuloy ang buhay."

Samantala, mapapansin namang naka-limit ang comment section ng nabanggit na Facebook post ni Viy.