Walang takas sa mata ng netizens ang pagkalat ng video ng adult content creator at Filipino artist na si Salome Salvi sa pagpunta niya sa isang kilos-protestang isinagawa ng maraming progresibong grupo.
Ayon sa post na ibinahagi ni Salome sa kaniyang Facebook noong Linggo, Setyembre 21, 2025, namataang pumunta rin siya sa Mendiola Square, Recto, Maynila upang makiprotesta kontra-korapsiyon.
Hinikayat ni Salome ang kaniyang mga tagasuporta na makiisa sa nasabing kilos-protesta.
“Sumama na kayo,” saad ni Salome sa kaniyang post.
Pinutakti naman ng mga negatibo at malalaswang komento mula netizens na may mas malalim pang mga intensyon ang nasabing video ni Salome.
Narito ang ilang komento iniwan ng mga tao patungkol sa pakikiisa ni Salome:
“Makibaka Maki-collab”
“Walang SUSOko!!”
“Makibembang wag matakoT.”
“Salome Salvi ilabas mo D*de mo para kumalma ang mga tao jan.”
“Ayaw namin baka ma wrong hole kami.”
“Buti di ka binembang jn haha”
“Ingat sa pa putok”
“Dapat naghubad ka dyan sisikat ka tyak.”
“Dapat ang sigaw mo maki d*gstyle, ganern.”
Ngunit sa kabila ng malalaswang komentong ibinato ng netizens, may ilan pa ring nakita ang mabuti umanong hangarin ni Salome sa pagpunta sa kilos protesta.
Anila, mga kapuwa Pilipino ni Salome ang kasama sa mga panawagang isinisigaw niya ngunit ibang lente umano ang mas piniling sipatin ng tao.
“Yung pinost ni Salome is protest for corruption pero yung comments puro katangahan. Kaya ung gobyerno natin easy lng nakawan tayo kasi mdami nman mangmang na Pilipino, mas magaling nman sa kabastusan bkt pa kayo pagsisilbihan ng tapat. Sorry not sorry, realtalk lng.”
“Isa kayo sa mga pinaglalaban niya tapos binabastos niyo lang.”
“INGAT IDOL Salome Salvi ....IPAGLABAN ANG BAYAN SA MAPANIIL NA NAGHAHARING URI NG MGA PULITIKONG SAKIM NA SAKIM SA SALAPI AT KAPANGYARIHAN.”
“Buti nga sya andyan nakikipaglaban, eh kayo puro kayo kamot b*yag sa bahay nyo.”
Samantala, bukod sa mga mahinahong sagot ni Salome sa naturang malalaswang komento patungkol sa pagsama niya sa kilos protesta, hindi pa naman siya naglalabas ng opisyal na pahayag tungkol dito.
Mc Vincent Mirabuna/Balita