December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rita sa post ni Jodi: 'Eh ano naman ang gagawin sa mga magnanaCOWS?'

Rita sa post ni Jodi: 'Eh ano naman ang gagawin sa mga magnanaCOWS?'
Photo courtesy: Rita Avila (FB)/Jodi Sta. Maria (IG)

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon sa post ni Kapamilya star at tinaguriang "Silent Superstar" na si Jodi Sta. Maria ay batikang aktres na si Rita Avila.

Umagaw kasi ng atensyon sa social media ang pagtutol ng Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria laban sa balak na pagkatay ng mga baka sa isang kilos-protesta na nakatakdang gawin sa Setyembre 21.

Ibinahagi ng aktres ang opisyal na pahayag ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na mariing kumokondena sa paggamit ng mga hayop bilang sakripisyo sa pampublikong pagtitipon.

Ayon sa PETA, ang mga baka ay walang pinapanigan sa politika at gaya ng ibang nilalang, nais lamang mabuhay. Dagdag pa nila, ang paggamit sa kanilang paghihirap bilang “public spectacle” ay malinaw na anyo ng kalupitan at kahiya-hiyang gawing political stunt.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Ayon sa PETA, "Animals, including these cows, have no political stance — they simply want to live. Cows are gentle animals who love their babies and cry out in fear when their lives are taken. Turning their suffering into a public spectacle is cruelty, plain and simple. Taking their lives for a political stunt is shameful, and we beg those involved to reconsider. Choosing compassion instead of cruelty would show the world the progressive country the Philippines truly is and give the entire nation something to be proud of. The Philippines has a chance to reject violence against animals and embrace compassion instead."

Kalakip ng post ang isang panawagan na "STOP THE KILLING OF COWS ON SEPT. 21."

Mapapansin namang sa ibaba, nakabilog ang "100 cattle to be slaughtered for prayer rally."

Hindi naman tinukoy ni Jodi sa post, o maging mismong sa art card, kung may kinalaman ba ito sa nakatakdang mga rally kontra korapsyon sa Linggo, Setyembre 21, at kung aplikable ba ito sa Pilipinas.

Maging ang mga kapwa artista at celebrity, kinondena rin ang nabanggit na post kagaya na lamang nina Iza Calzado, Bela Padilla, at Rita Avila na nag-iwan pa ng tanong.

"Eh ano naman ang gagawin sa mga mananaCOWS?" anang aktres.

Sagot naman ni Jodi, "Ano ang nararapat na kaparusahan sa palagay mo Ms A?"

"aku eh umamin muna sila dahil may batas naman para sa kanila. kung ayaw mag-aminan… eh di magtuturuan sila, magkakainitan, maglalaban-laban. matira matibay. ang matira, gagawing tapa," sagot naman ng batikang aktres.

Photo courtesy: Screenshot from Rita Avila via Jodi Sta. Maria (IG)

KAUGNAY NA BALITA: Jodi Sta. Maria, kinondena umano'y planong pagkatay sa mga baka para sa kilos-protesta

Pahabol naman ni Rita matapos kuyugin ng ilan ang naging komento niya, "Hindi ko alam ang scope ng post na ito ni Jodi at ng PETA kaya hindi ako nag-agree o kumontra. Ang alam ko lang ay mapagmahal sila sa mga hayop. Wala namang mali kung may grupo sa mundo na magmahal sa mga hayop."

"Mas mali nga ung ang mahal ay HAYOP sa ugali."

"Dahil sa COW, naidugtong ko lang ang magnanaCOW dahil may nabasa ako tungkol sa iba’t ibang COWS. Ex. Ang Russia may MosCOW. Ang China may MaCOW. Ang Pilipinas may MagnanaCOW."

"Relevant naman ang tanong ko dahil yan ang issue ngayon. Pero kung ano ano na ang bintang nyo sa amin."

"Mag-isip nga muna kayo bago pumutak."

"Pasintabi @jodistamaria," aniya. 

Photo courtesy: Screenshot from Rita Avila via Jodi Sta. Maria (IG)

Sa kasalukuyan, mainit na pinag-uusapan ang korapsyon sa pamahalaan, na lalong lumutang dahil sa maanomalyang flood control projects.

Sina Jodi at Rita ay nagkasama sa teleseryeng "Ang Sa Iyo Ay Akin" sa ABS-CBN kasama pa sina Iza Calzado, Sam Milby, at Diamond Star Maricel Soriano.