December 13, 2025

Home BALITA Politics

'Sila-sila lang din 'yan!' VP Sara, nagkomento sa palitan ng liderato sa Kamara

'Sila-sila lang din 'yan!' VP Sara, nagkomento sa palitan ng liderato sa Kamara
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Pinatutsadahan ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Setyembre 19, 2025, ang naganap na pagbabago sa liderato ng Kamara.

“Yung pagpapalit nila ng Speaker d'yan ay para lang masabi ng mga tao na meron silang ginawa sa House of Representatives sa reklamo at sa galit ng mga tao. Pero ang totoo niyan ay sila lang din 'yan,” ani Duterte sa panayam ng media sa Davao.

Dagdag pa niya, “Grupo lang din 'yan ni Martin Romualdez, ni Sandro Marcos, at siyempre, papunta na rin 'yan kay BBM.”

Matatandaang pinalitan ni Isabela 6th District Representative Faustino “Bojie” Dy III si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez bilang House Speaker noong Miyerkoles matapos magbitiw sa puwesto.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

"After deep reflection and prayer, I have made a decision. Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of the Representatives," saad ni Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nag-resign na bilang House Speaker

Mariing ding idiniin ni Duterte na malapit si Dy kay Isabela Governor Rodolfo Albano, na aniya ay kaalyado ni Romualdez.

“Sila lang din yun, sila-sila lang din 'yan, at sila-sila lang din nag-usap kung ano ang gagawin nila, at sila-sila lang din ang nagplano kung anong gagawin nila sa 2026 budget dahil this is all about the presidential elections of 2028 and the budget of 2026,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ng Bise Presidente na nakikita niyang walang “stability” sa kasalukuyang mga institusyon ng gobyerno sa gitna ng mga pagbabago sa liderato ng parehong Kamara at Senado.

“Magulo siya kasi unang-una walang vision, walang direction, walang plano. Nakikita mo puro sila politika at paninigurado na may pera sa bulsa at 'yung election nila sa susunod na darating na election. Ganoon ang makikita mo na ginagawa ng gobyerno,” aniya.