Ayon sa Institute for Management Development (IMD) World Competitiveness Center, kasama ang Pilipinas sa hanay ng mga ligwak na bansa sa taunang global World Talent Ranking (WTR) ngayong 2025.
Sa inilabas na bagong pag-aaral ng IMD WTR 2025, napuwesto ang Pilipinas bilang rank 64 out of 69 na kabuuang bilang ng iba’t ibang ekonomiya ng mga bansa sa mundo.
Mas mababa ito kaysa sa pang-63 out of 67 na rank ng Pilipinas noong 2024 at maaaring sabihin na ito na ang pinakamalala umanong naging resulta tungkol sa ekonomiya ng bansa sa loob ng dalawang dekadang nagdaan mula noong 2005.
Kung ihahambing ang katayuan ng bansa sa loob ng Southeast Asia, bagsak pa rin ang “talent competitiveness” ng Pilipinas bilang pang-13 sa 14 kabuuang bilang ng mga bansa.
Narito ang hanay ng 14 na mga bansa sa Southeast Asia batay sa naging pag-aaral ng IMD World Ranking (WTR) 2025:
1. Hongkong (4th)
2. Singapore (7th)
3. Taiwan (17th)
4. Australia (19th)
5. Malaysia (25th)
6. New Zealand (33rd)
7. South Korea (37th)
8. China (38th)
9. Japan (40th)
10. Thailand (45rd)
11. Indonesia (53rd)
12. India (63rd)
13. Philippines (64th)
14. Mongolia (69th)
Samantala, ang tatlong bansa namang nangunguna sa overall ranking ng IMD WTR 2025 ay ang mga bansang Switzerland (1st), Luxembourg (2nd), at Iceland (3rd).
Tatlong bagay ang pinagbabasehan ng IMD WTR upang pag-aralan ang bawat bansa batay sa kanilang competitiveness.
Una ang “appeal,” tumutukoy ito sa kakayahan ng isang partikular na bansa na maakit ang mga foreign talents para itaas ang sariling nitong competitiveness.
Pangalawa ang “investment and development,” tumutukoy naman ito sa mga sukat o dami ng mapagkukunang resources ng isang bansa upang masuportahan ang paglago ng sarili nitong workforce.
Ikatlo ang “readiness,” tumutukoy naman ito sa kalidad ng kakayahan ng isang bansa batay sa skilled workforce na mayroon ito.
Ngunit kung pagsasama-samahin ang rank ng Pilipinas sa tatlong bagay na nabanggit, makikitang bagsak ang bansa sa bawat batayan ng IMD WTR.
Pang-66 ang Pilipinas sa “investment and development,” habang pang-56 naman sa “appeal,” at pang 58 naman sa “readiness.”
Narito ang buong hanay ng World Talent Ranking ng IMD 2025:
1. Switzerland
2. Luxembourg
3. Iceland
4. Hong Kong
5. Netherlands
6. Sweden
7. Singapore
8. Denmark
9. United Arab Emirates
10. Austria
11. Canada
12. Finland
13. Germany
14. Ireland
15. Norway
16. Belgium
17. Taiwan (Chinese Taipei)
18. Estonia
19. Australia
20. Lithuania
21. Latvia
22. USA
23. Portugal
24. Czech Republic
25. Malaysia
26. France
27. Oman
28. Kuwait
29. Qatar
30. United Kingdom
31. Saudi Arabia
32. Slovenia
33. New Zealand
34. Kazakhstan
35. Cyprus
36. Spain
37. Korea Rep.
38. China
39. Puerto Rico
40. Japan
41. Italy
42. Bahrain
43. Thailand
44. Greece
45. Hungary
46. Jordan
47. Croatia
48. Botswana
49. Chile
50. Poland
51. Romania
52. Namibia
53. Indonesia
54. Argentina
55. Kenya
56. Nigeria
56. Colombia
58. Slovak Republic
59. Peru
60. Bulgaria
61. Ghana
62. South Africa
63. India
64. Philippines
65. Türkiye
66. Mexico
67. Brazil
68. Venezuela
69. Mongolia
Mc Vincent Mirabuna/Balita