January 24, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pagpatay kay Charlie Kirk, political assasination—Utah Gov. Cox

Pagpatay kay Charlie Kirk, political assasination—Utah Gov. Cox
photo courtesy: Associated Press

Pinatay ang malapit na kaalyado ni US President Donald Trump na si Charlie Kirk nitong Miyerkules, Setyembre 10, habang nasa isang event sa Utah College. 

Ayon sa mga ulat, nagsasalita sa isang event ng Utah Valley University si Kirk habang nasa ilalim ng isang white tent na may mga slogan na "The American Comeback" at "Prove Me Wrong," nang bilang may narinig ng malakas na pagputok ng baril at nakita itong duguan.

Kumakalat din sa social media ang video ng pangyayari kung saan makikitang sa leeg tinamaan ng bala si Kirk. 

Kinumpirma ni Trump ang pagkamatay ni Kirk sa kaniyang Truth Social account.

Internasyonal

Pinakamatandang 'drawing sa kuweba,' natagpuan sa Indonesia

"The Great, and even Legendary, Charlie Kirk, is dead. No one understood or had the Heart of the Youth in the United States of America better than Charlie," anang US president.

Dagdag pa niya, "He was loved and admired by ALL, especially me, and now, he is no longer with us. Melania and my Sympathies go out to his beautiful wife Erika, and family. Charlie, we love you!"

Ipinag-utos din niya na ang pag-half mast ng American flags bilang karangalan kay Kirk. 

Samantala sa ulat ng Associated Press, sinabi ni Utah Gov. Spencer Cox na ang pagpatay kay Kirk ay isa umanong "political assassination."

“This is a dark day for our state. It’s a tragic day for our nation,” aniya sa isang press conference.

“I want to be very clear this is a political assassination," ika pa niya.

Kaugnay nito, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang bumaril kay Kirk ayon kay FBI Director Kash Patel, at nagpapatuloy ang imbestigasyon. 

Bukod sa pagiging kaalyado ni Trump, si Kirk ay ang CEO at co-founder ng conservative youth organization Turning Point USA.