December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alma Concepcion umalma, inokray na 'sustentado' ng mga Atayde at laos na

Alma Concepcion umalma, inokray na 'sustentado' ng mga Atayde at laos na
Photo courtesy: Balita File Photo/Sylvia Sanchez (IG)

Hindi pinalagpas ng dating beauty queen at aktres na si Alma Concepcion ang ilang bashers na nagkomento at umokray sa ginawang niyang pagtatanggol sa pamilya Atayde, sa isyu ng kanilang mga ari-arian, na iniuugnay at pinaparatangan ng mga netizen na umano'y galing sa pondo ng taumbayan.

Nag-ugat ang kontrobersiya nang mabanggit ng contractor na si Curlee Discaya ang pangalan ng aktor at Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde sa mga opisyal ng pamahalaang nakatanggap umano ng kickback o porsyento mula sa kanilang proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ito ni Discaya sa naganap na ikalawang Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Lunes, Setyembre 8, na noon ay pinamumunuan ni Sen. Rodante Marcoleta, batay sa sworn statement nila ng misis na si Sarah Discaya, na natalong Pasig City mayoral candidate noong National and Local Elections 2025.

Agad naman itong pinabulaanan ni Atayde at sinabing hindi siya sangkot sa alinmang anomalya.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Mababasa sa kaniyang Instagram story, "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”

Dagdag pa niya, “I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”

Maging ang kaniyang misis na si "Eat Bulaga" host Maine Mendoza ay umalma rin sa isyu at dinepensahan ang kaniyang mister.

Nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 10, naglabas ng mahabang Facebook post si Maine at pinagdiinang hindi galing sa buwis ng mga mamamayan ang pinambili nila sa kanilang mga ari-arian.

Dahil din sa isyu, pati tuloy ang nananahimik na ina ni Arjo na si award-winning actress at producer Sylvia Sanchez ay dinamay ng mga netizen na nagpupuyos ang damdamin sa una.

Binalikan ng mga netizen ang naging panayam kay Sylvia nina Korina Sanchez at Karen Davila kung saan makikita ang iba't ibang ari-arian ng mga Atayde gaya ng beach resort, yate, rest houses, at ang bagong ipinatatayong bahay.

Hindi naman pinalagpas ni Alma ang isyu at naglabas ng mga resibo bilang pang-resbak sa mga akusasyon ng netizens.

Ibinahagi ni Alma ang isang lumang Facebook post noong 2021 kung saan makikitang kasama niya si Sylvia at iba pa, sa isa sa mga yate nito.

Giit ni Alma, 2021 pa raw ang nabanggit na post, naroon na ang yate at iba pang mga ari-arian ng mga Atayde. Taong 2022 daw nang mahalal bilang kongresista ng unang distrito ng Quezon City si Arjo.

Kaya pakiusap niya sa mga netizen na nagpaparatang sa mga Atayde, i-verify ang mga petsa at i-check ang timeline.

"Paki-verify po ang mga petsa. Ang mga ari-arian tulad ng yate, rest houses na binabanggit sa balita ay nakita na namin noong 2021. Si Congressman Arjo Atayde ay nahalal noong 2022. Paki-check po ang timeline kung kailan na acquire ang mga ari-arian nila bago maghusga," aniya.

Dagdag pa niya, "Eto ang rest house na na feature ni Ms. K with Sylvia Sanchez and paki tignan ang petsa. Nabili nila bago pa man naka upo si Cong. Arjo."

KAUGNAY NA BALITA: 'Paki-verify po ang mga petsa!' Alma Concepcion, rumesbak sa isyu ng ari-arian ng mga Atayde

PAG-ALMA NI ALMA SA BASHERS

Huwebes, Setyembre 11, ibinahagi ni Alma ang screenshots ng comment post ng dalawang netizen patungkol sa pagtatanggol niya pamilya Atayde, na malapit sa kaniya.

Ang isang basher, sinabihan siyang siguro daw ay sustentado o nabibigyan siya ng ayuda ng mga Atayde at sinabihan din siyang laos.

Ang isang netizen naman, tila sumang-ayon sa naunang bash at baka sakali raw siyang "maambunan" o umingay ulit ang pangalan.

Bagay na hindi pinalagpas ni Alma at pinalagan ang mga nabanggit na kritisismo.

"Laos? At least sumikat at naka ipon. Ikaw? Sumikat ka ba? Naka ipon ka ba? Baka mas marami pa akong natulungan kesa sa inyo so make sure maayos ang buhay mo bago ka mambato sa iba," ani Alma.

"Madami ako natulungan, napag aral ko mga kapatid ko. Ikaw? Ano ambag mo sa mundo ?"

"Lahat naman ng artista malalaos. Ang importante ay na maximize ko kasikatan ko, nakapag invest ng maayos at until now umaarte pa din on the side. Umpisa pa lang bg showbiz career ko sinabi na sa akin ng mommy ko na hindi sya forever so what did i do? I maximized it & invested wisely!"

"Hintayin ko sagot mo dito sa page ko ha? Game," saad pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Alma Concepcion/FB

Ipinagtanggol naman si Alma ng mga netizen sa comment section ng kaniyang post.

"Na ingit lang Yan ma'am Sayo"

"Sis, don’t give them the privilege to waste your time. We, the people who know you best, will forever be by your side. You have nothing to prove, you’re the best at your craft and to your dear family and true friends. Don’t stoop down to their levels. Love you."

"Laos na pero kilala ka nila meaning relevant ka pa din. Mga KSP!"

"Na curious tuloy ako and checked her profile - susme sabi nga ng lola ko, yan ang mga tumatandang paurong, LMAO!"

"Sis...dedma..ganyan ang inggit so lalo mo buwisitin..."

"Jealous people have nothing better to do and people like to project their insecurities on others."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Sylvia tungkol sa isyu, bagama't ibinahagi niya sa Instagram story ang naging pahayag ng anak na si Arjo.