December 15, 2025

Home SPORTS

‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship

‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship
Photo courtesy: via AP news

“Herstory”-— ganiyan ilarawan ang iniuukit na kasaysayan ng Filipina tennis player na si Alex Eala matapos niyang angkinin ang titulo sa WTA 125 championship nitong Linggo ng umaga, Setyembre 7, 2025 (araw sa Pilipinas).

Pinataob ni Eala ang pambato ng Hungary na si Panna Udvardy sa iskor na 1-6, 7-5, 6-3 upang masungkit ang kampeonato.

Bagama’t natambakan sa first set, nagawang baliktarin ni Eala ang takbo ng laro at rumatsada sa huling dalawang sets.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng kampeonato sa World Tennis Association (WTA). Noong Hunyo, matatandaang gumawa rin ng kasaysayan si Eala matapos naman siyang maging unang Pinoy na nakatungtong sa WTA finals sa Eastbourne Open championship bagama’t bigo siyang maiuwi ang titulo nito.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Habang noong Sabado, Setyembre 6 (oras sa Pilipinas), nang pataubin niya si Kayla Day sa ng USA  sa semifinals ng Guadalajara 125 Open.

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, namamayagpag sa Guadalajara; lalaban para sa ginto!

Inaasahang magbabalik-aksyon sa tennis court si Eala sa Setyembre 8-14 para sa  São Paulo (SP) Open sa Brazil.