December 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati, mga santo ng makabagong panahon

Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati, mga santo ng makabagong panahon
Photo courtesy: Vatican News, piergiorgiofrassati (website)

Pinangunahan ni Pope Leo XIV ang  kanonisasyon nina Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati noong Linggo, Setyembre 7 sa St. Peter’s Square, Rome. 

Dinumog ito ng libo-libong tao bilang pagsuporta sa dalawang “millennial saints” na guguhit ng bagong pahina sa kasaysayan ng simbahang Katoliko. 

Kasama rin sa seremonya ang ina at mga kapatid ni Acutis. 

Sa homily na ibinahagi ng Santo Papa, binanggit niya na sa naging paraan ng pamumuhay nina Frassati at Acutis, maigi nilang ginamit ang kanilang kaalaman at talino para maipamahagi ang Panginoon sa mga tao. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Kinilala rin niyang ang naging buhay ni Frassati, na ipinakita na ang pagseserbisyo sa komunidad at sa mahihirap ay mula sa kapangyarihan ng ebanghelo at pananampalataya. 

At si Acutis, bilang modernong kabataan, ay nabuhay na binabalanse ang pagdarasal, sports, pag-aaral, at kawanggawa mula pagkabata hanggang pagkabinata. 

“Even when illness struck them and cut their lives short, not even this stopped them nor prevented them from loving, offering themselves to God. Blessing him and praying to him for themselves and for everyone,” aniya. 

“‘The day of my death will be the happiest day of my life,’” pagsasaad ng Santo Papa sa isa sa mga salitang binanggit ni Frassati. 

“Moreover, Carlo, who’s younger than Pier Giorgio, loves to say that ‘heaven has always been waiting for us, and that to love tomorrow is to give the best of our fruit today,” dagdag pa ng Santo Papa. 

Para naman sa mga kabataan, ibinilin niyang wag sayangin ang buhay, ngunit gamitin ito ng maayos o gawin itong isang “masterpiece,” ika niya. 

Si Acutis ay isang 15-year old gamer at computer programmer na ginamit ang  kaniyang kaalaman sa teknolohiya para gumawa ng website sa layong maipamahagi ang kaniyang pananampalataya.

Dahil dito, tinawag din siya, “God’s influencer.” 

Si Frassati naman ay nakilala sa kaniyang athletic lifestyle at serbisyo sa mga mahihirap sa kaniyang komunidad. 

Dahil dito, tinawag siya ni Pope John Paul II na “Man of the Beatitudes.” 

KAUGNAY NA BALITA: Italian computer-coding teenager Carlo Acutis, kikilalaning 'first millennial saint' sa Sept. 7

KAUGNAY NA BALITA: Kilalanin si Carlo Acutis, ang nakatakdang maging unang ‘millennial saint’

Sean Antonio/BALITA