Mula mismo sa bibig ng Kapamilya actress na si Janella Salvador ang pagtangging siya ang "third party" sa hiwalayan ng Kapuso actress na si Klea Pineda at ex-jowang si Katrice Kierulf.
Sa panayam sa kanilang dalawa ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, sa press conference para sa Cinemalaya movie nilang "Open Endings," sinabi ni Janella na hindi siya ang dahilan ng break-up ng dalawa.
Sinabi niya ito habang nasa tabi niya si Klea, na sumesegunda naman sa sinasabi niya.
Natanong din ang dalawa kung ano raw ba ang "status" nilang dalawa.
"Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon," sabi ni Janella.
Bagay na sinang-ayunan naman ni Klea.
Sundot pa ni Janella, "Para lang maging klaro, sabi ko kasi magsasalita ako at the right time, ito na 'yon, hindi po ako part ng break-up, hindi po ako third party, I would like to exclude myself from that. 'Yon lang! Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon!" aniya.
Nang matanong naman siya kung gaano siya kasaya ngayon, "Nakikita n'yo naman!"
Nang maurirat naman si Klea kung sila na ba ni Janella, "Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon!"
Sundot naman ni Janella, "Gusto naming mag-focus sa film muna!"
Matatandaang nauna nang pinabulaanan ni Klea ang isyu na may kinalaman si Janella sa hiwalayan nila ni Katrice, sa naging panayam sa kaniya sa GMA News, sa naganap na GMA Gala 2025 noong Agosto 2.
“Of course, of course, I’m aware sa nangyayari but ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi mismo sa inyo, walang third party na nangyari,” aniya.
Pagdating naman daw sa pagiging malapit nila ni Janella, "Yung closeness namin ni Janella, inevitable siya kasi magkasama kami sa film. So kaming apat sa film, si Jasmine, si Leanne, si Janella, and me, yung closeness namin talaga na-develop during shooting days namin."
KAUGNAY NA BALITA: Klea Pineda idiniing labas si Janella Salvador sa hiwalayan nila ni Katrice Kierulf
Noong Hulyo 18, 2025, inamin naman ni Klea sa "Fast Talk with Boy Abunda" na hiwalay na talaga sila ni Katrice dahil sa kani-kanilang priorities sa buhay.
“May kaniya-kaniya na kaming priorities. Mutual decision ‘yong nangyari. Gusto niya unahin ang sarili niya. Gusto ko rin piliin ang sarili ko this time," aniya.
"Tito Boy, sa buong 3 years namin, wala akong regrets at all, sa relationship namin ni Kat. Ang dami niyang natulong sa akin, ang dami kong natutunan sa kaniya about love, about life. And I am sure ganun din 'yong nagawa ko for her,” dagdag pa ni Klea.
KAUGNAY NA BALITA: Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf-Balita