December 14, 2025

Home BALITA National

Solon, naispatang nanonood ng online sabong sa sesyon ng HOR

Solon, naispatang nanonood ng online sabong sa sesyon ng HOR

Usap-usapan ang isang kongresistang tila naispatang nanonood umano ng online sabong sa kaniyang mobile phone habang isinasagawa ang sesyon sa House of Representatives (HOR) para sa botohan ng pagka-House Speaker, Lunes, Hulyo 29, sa pagbubukas ng 20th Congress.

Hindi naman pinangalanan kung sino ang nabanggit na kongresistang tila nagtatanggal ng "inip" habang nagaganap ang plenaryo.

Isa sa mga nabanggit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ay ang tungkol sa mga krimen at sindikatong nasa likod ng mga sabungan.

Aniya, hindi palalampasin ng kaniyang administrasyon ang paghabol at pagpapanagot sa mga sindikatong nasa likod ng krimeng nagsasangkot sa mga sabungan.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Kahit daw makapangyarihan, ipinangako ni PBBM ang paghabol sa mga utak at sangkot, na bagama't walang direktang binanggit, ay patungkol sa mga nawawalang sabungero.

"Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot, sibilyan man o opisyal. Kahit malakas, mabigat, o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas," aniya.

Bukod dito, itutuloy rin ng pamahalaan ang operasyon kontra droga, dahil tila bumabalik na raw ito sa kasalukuyan.

"Tila nagbabalikan daw ang mga pusher, kaya patuloy ang ating mga operasyon laban sa mga drug dealer, big-time man o small-time," pahayag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, pananagutin mga sindikatong nasa likod ng sabungan

Matatandaang nasangkot sa isyu ng mga nawawalang sabungero ang negosyanteng si Atong Ang, matapos ang pag-expose sa kaniya ng whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan.

Pinabulaanan naman agad ito ni Ang sa isang media conference.

Kaya naman tanong ng bayan, "sinetch itey?"