December 30, 2025

Home BALITA National

'Congrats Diwata Torre!' Baste, pinagduldulan travel authority form kay Torre

'Congrats Diwata Torre!' Baste, pinagduldulan travel authority form kay Torre
Photo courtesy: Sebastian Duterte (FB)/Santi San Juan (MB)

Nagpaabot ng pagbati para kay Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III ang "katunggaling" si Davao City Acting Mayor Sebastian "Baste" Duterte matapos itong manalo by default sa kanilang boxing match ngayong Linggo, Hulyo 27, 2025, sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

"Chimps from the planet of the apes cannot comprehend. Congrats Diwata torre!" mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post.

Ipinakita rin ni Duterte na noon pang Hulyo 20, 2025 naaprubahan ang kaniyang travel clearance, mula Hulyo 25 hanggang Hulyo 29, 2025, para sa kaniyang personal trip patungong Singapore.

Pinirmahan ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. 

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Hindi sumipot si Duterte sa kanilang laban dahil lumipad siya sa Singapore noong Hulyo 25, batay na rin sa nakasaad sa granted na travel clearance.

Samantala, mukhang hindi na raw matutuloy kung sakali ang posibleng rematch sa boxing fight sa pagitan nilang dalawa.

Tila hindi na masasaksihan ang sagupaan ng dalawa sa boxing ring matapos sabihin ng "winner by default" na PNP chief na hindi na siya bukas sa nabanggit na posibilidad, matapos hindi sumipot ni Duterte sa kanilang nakatakdang bakbakan sana ngayong Linggo, Hulyo 27.

Sa panayam ng media kay Torre, sinabi niyang nag-exert na siya ng effort para sa nauna raw na hamon sa kaniya ni Duterte, subalit hindi naman daw nagpunta.

“I have a lot of work and this is not worth responding to,” anang Torre.

“As you can see, we exerted a lot of effort in this event. I don’t think he is worth responding to at this point. We should just let him be in his own world,” aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, dedma na sa posibleng sapakan rematch nila ni Baste?

Matatandaang nagbigay ng kondisyon si Duterte para kumasa sa nabanggit na paghaharap.

“Gusto mo puntahan kita, walang camera suntukan tayo walang gloves. Bakit ba kailangan mo ng ano? [gloves]. Masyado ka mang ma-showbiz,” saad ni Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre