December 18, 2025

Home FEATURES Trending

Paraan ng pagjerbaks, nagdulot ng aksidente sa isang babae

Paraan ng pagjerbaks, nagdulot ng aksidente sa isang babae
Photo Courtesy: Jemalyn Cervantes (FB)

Sumasampa ka rin ba sa inidoro kapag jumejebs?

Nagdulot ng takot sa maraming netizens ang nangyaring aksidente sa isang babae dahil sa paraan niya ng pagjebs sa inidoro.

Sa isang Facebook post ni Jemalyn Cervantes kamakailan, ibinahagi niya ang larawan ng paa niyang nasugatan matapos mabasag ang inidorong sinampahan niya.

“Finally 3months naging ok na paa ko Grabe din hirap yung may tahi ka sa paa ” saad ni Jemalyn sa caption.

Trending

French fries outlet, nilansihan franchisee matapos umanong maghain ng business proposal?

Ayon sa kaniya, kapag nagbabawas siya ng kinain, sumasampa siya sa inidiro. Ngunit sa kasamaang-palad, nabasag ito kaya nahiwa ang paa niya.

“Pati po malapit sa private part ko nahiwa kaya na tahi rin grabe tagal kong paganyan puwesto ngayon lang ako nadala ” dugtong pa niya.

Kaya naman hindi na raw niya uulitin pa ang ganoong paraan ng pagjebs. Pinaalalahan din niya ang publiko na siguraduhing hindi sila pababayaan ng kanilang inidoro sa oras ng kagipitan.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Kinabahan ako ha, ganyan din ako pag mag poop kasi nadidiri ako na uupuan ang bowl HAHAHAHA"

"Kung ganyan ka tumae dapat gamit mo yung kubetang mababaw. Pero mas ok daw pag ganyan tumae ang tao. Mas nalalabas lahat."

"may nakita rin akong post na ganito dati parang tocino na yung hita, kaya di na ako nag iisquat sa inidoro"

"kaya nga dapat sa pag lalabas kyo at gagamit kayo public cr always bring tissue or wipes and alcohol, jusko kadiri naman kung ganyan kayo dumumi or umihi. Respeto na lang po sa next users."

"Not advisable po talaga kasi yung ganyang pwesto lalo na sa ganyang style ng bowl.. If sa sariling bahay niyo naman po kayo napupu better kung nakaupo kayo for sure naman na alam niyong malinis ang sarili niyong banyo kaya safe umupo, para balance lang yung bigat at pressure na nabibigay sa bowl"

"Parang ayoko ng tumae"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 9.6k reactions at 32K shares ang post ni Jemalyn.