Maraming nawindang sa mga eksena sa latest episode ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" matapos makipagbarilan ang karakter ni Jake Cuenca sa karakter ni Ronwaldo Martin.
Sa nabanggit na eksena, napag-alaman na kasi ni Santino (Ronwaldo) na si Miguelito (Jake) ang pumatay sa kapatid niyang si David, na mahusay na ginampanan ni McCoy De Leon.
Kaya naman bilang utol ay rumesbak itong si Santino laban kay Miguelito at talagang nagkabakbakan sila, ha!
Take note, naka-brief lang si Jake sa mga eksena, at nakipagkabugan daw sa pagtakbo naman ni Maris Racal na nakasuot lang ng panty, sa katatapos lang na Incognito.
KAUGNAY NA BALITA: Maris Racal, nag-react sa eksena niyang nagtatatakbong naka-bra at panty lang
In fairness, mukha nga raw may ibubuga talaga si Jake, sey ng netizens!
KAUGNAY NA BALITA: Jake Cuenca, nakipagputukan habang naka-brief lang