December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

PCSO: ₱21.5M jackpot prize ng MegaLotto 6/45, nasolo ng taga-Laguna

PCSO: ₱21.5M jackpot prize ng MegaLotto 6/45, nasolo ng taga-Laguna
File Photo

Isang taga-Laguna ang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na ₱21.5 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Huwebes, Hulyo 17, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination ng MegaLotto 6/45 na 44-30-12-24-06-35 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ₱21,538,656.

Nabili umano ng lucky winner ang kaniyang lucky ticket sa San Pedro, Laguna.

Upang makubra ang kaniyang premyo, pinayuhan ng PCSO ang lotto winner na magtungo sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Probinsya

Tanza, Cavite, ‘di raw kaya makipagsabayan sa Pamasko food packs; babawi sa public hospital

Nagpaalala rin naman ang PCSO na ang lahat ng premyong aabot ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% na tax, sa ilalim ng TRAIN Law.

Lahat rin umano ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Nanawagan rin ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang mas marami pa silang matulungan na mga kababayan nating nangangailangan.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.