January 26, 2026

Home BALITA Metro

2 taong gulang na babae, itinakas ng lalaki sa bangketa at minolestiya!

2 taong gulang na babae, itinakas ng lalaki sa bangketa at minolestiya!
Photo courtesy: Contributed photo

Isang dalawang taong gulang na batang babae ang itinakas ng isang 26-anyos na lalaki sa tabi ng natutulog niyang mga magulang sa isang bangketa sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, nahagip pa ng CCTV malapit sa bangketa kung saan natutulog ang biktima at kaniyang pamilya, kung paano siya dali-daling kinuha at saka kinarga ng suspek palayo.

Isang concerned citizen naman na nakasalubong ng suspek ang tila nakapansin sa kakaiba niyang kilos, di kalayuan sa nasabing bangketa. Matapos nito, sinubukan pang gisingin ng concerned citizen ang pamilya ng biktima ngunit hindi na nila ito inabot dahil sa mabilis na pagsakay ng lalaki sa jeep.

Samantala, matapos ang ilang oras, nakatanggap daw ng ulat ang pulisya tungkol sa isang batang minolestiya raw ng isang lalaki. Doon na nakumpirma na ang biktima at ang batang naitembre sa pulisya na biniktima ng suspek ay iisa.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Agad na nadakip ng mga awtoridad ang suspek, sa tulong na rin ng ilan pa ring concerned citizen at barangay tanod.

Dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang biktima kung saan mabilis siyang naibalik sa kaniyang mga magulang.

Paliwanag ng suspek, inuutusan lamang daw niya na mamalimos ang bata.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong kidnapping at  paglabag sa expanded law on rape, at anti-child abuse law.