December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sharon Cuneta, nagsalita sa pag-atras ng cyber libel case laban kay Cristy Fermin

Sharon Cuneta, nagsalita sa pag-atras ng cyber libel case laban kay Cristy Fermin
Photo courtesy: Sharon Cuneta (IG)/Ogie Diaz (FB)

May simpleng pahayag si Megastar Sharon Cuneta kung bakit iniurong nila ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan ang inihain nilang cyber libel case kontra showbiz insider Cristy Fermin.

Martes, Hulyo 8, unang ibinalita ng isa pang showbiz insider na si Ogie Diaz na nagharap na sa korte sina Cristy at ang mag-asawang Sharon at Kiko, pero ito ay para pormal nang i-atras ang demanda laban sa showbiz news journalist.

"Matapos humingi ng public apology si Ate Cristy Fermin sa kanyang youtube channel, heto’t nagkita na sila sa korte kanina (July 08, 2025) para iurong ang kaso."

"Sabi nga ni Ate Cristy, 'Kung nakapanakit tayo ng kalooban, marunong naman tayong humingi ng tawad.'"

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Hindi naman sa korte lang lagi ang lugar para ipaglaban ang karapatan at katotohanan. Pwede namang mag-usap nang puso-sa-puso. Hanggang sa pairalin ang pagpapatawad. Lalo na kung meron namang nabuong relationship noong araw pa."

"Thank you, Sen. Kiko Pangilinan and Mareng Mega," anang Ogie.

Mayo 10, 2024 nang magsampa ng kaso ang mag-asawa laban sa batikang showbiz news personality.

KAUGNAY NA BALITA: Sharon, Sen. Kiko iniurong cyber libel case laban kay Cristy

Sa Instagram post ni Mega, Miyerkules, Hulyo 9, sinabi niyang may pinagsamahan naman sila ni Cristy at para sa kaniya, napakadaling ipagpatuloy ng pagmamahalan.

"Di basta naitatapon at nalilimot ang pagkakaibigan. Napakadaling ipagpatuloy ang pagmamahalan! Namiss ko si Nay. My heart is so happy and at peace," aniya.

Naka-tag naman sa post ang co-host ni Cristy na si Romel Chika.