December 16, 2025

Home BALITA Internasyonal

57-anyos na lalaki 'nagsarili' sa tren, natalsikan ng 'katas' babaeng pasahero

57-anyos na lalaki 'nagsarili' sa tren, natalsikan ng 'katas' babaeng pasahero
Photo courtesy: Freepik

Kulong ang isang 57 taong gulang na lalaki sa Singapore matapos niyang "magsarili" habang nasa loob ng isang tren, at natalsikan pa ng kaniyang semilya ang isang babaeng kapwa pasahero.

Ayon sa ulat ng international news outlets, habang nakatayong nakasakay sa tren ang nagngangalang "Cheng Choong Peng" ay naisipan daw niyang laruin ang sarili dahil lagi raw siyang tinatanggihan ng misis niya kapag nag-aaya siyang makipagbembangan.

Lagi raw ikinakatwiran ng asawa niya na pagod siya kaya walang ganang makipagtalik. Kaya naman, naisipan na lamang niyang magsarili habang nasa loob ng pampublikong sasakyan.

Nang siya ay makaraos at labasan, itinalsik umano ng lalaki ang semilyang sumabog sa kaniyang kamay, at ang ilang pulandit ay tumalsik sa pants ng isang babaeng pasahero, na noon ay nakatayo rin at nasa harapan niya.

Internasyonal

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy

Nang mapansin daw ng babae ang "kakatwang talsik" na nagresulta ng mantsa sa kaniyang pants, agad itong nagtungo sa pulisya at isinumbong ang nabanggit na lalaki sa pamamagitan ng police report.

Kumuha naman ng swab ang kapulisan sa mantsang dulot ng talsik upang ipasuri sa Health Science Authority para malaman kung semilya ba ito ng suspek.

Nang tumugma ito, kinasuhan ang suspek ng "public nuisance" at inaresto noong Mayo 20, 2025.

Nitong Hulyo 2, 2025, hinatulang guilty si Cheng Choong Peng matapos umamin sa kaniyang pagkakasala, at naparusahan ng tatlong linggong pagkakabilanggo.

Sa ulat ng Strait Times, sinumang mahatulang guilty sa kasong public nuisance ay maaaring makulong ng tatlong buwan, o kaya ay magmulta ng halagang $2,000, o maaari ding pareho.