Humihirit ang fans at supporters nina Fyang Smith at Chloe San Jose o "Chloe SJ" na sana raw mag-collab sila sa mga susunod na ganap nila, lalo na sa songs o kaya concert!
Pareho kasing nag-launch ng album nila ang dalawa matapos pasukin na rin ang music industry.
Naging matagumpay ang "Forever Fyang" launching concert ng "Pinoy Big Brother Gen 11" Big Winner sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City kamakailan. Naging bahagi pa nga nito si Chloe matapos mag-perform ng isang song number kaya masasabing close sila ni Fyang sa isa't isa.
KAUGNAY NA BALITA: Kilometro daw layo! Fyang inokray, papalit sa trono ni Sarah G?
Ginanap naman ang launching ng album ni Chloe sa Noctos Music Bar sa Quezon City noong Martes, Hunyo 24.
"Chloe Anjeleigh For Real" ang pangalan ng album ni Chloe na may pitong tracks at mapakikinggan sa major music platforms sa bansa.
Kinanta ni Chloe ang laman ng kaniyang albums na "FR FR” at "Nonchalant" na nauna na niyang na-launch noong Marso, at ang mga bagong awiting “Iyo,” “Something Right,” “Tanim,” “Dulo ng Bahaghari,” at “Shush.”
Siyempre, present din sa nabanggit na launch concert ang kaniyang boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, kung saan dedicated sa kaniya ang awiting "Iyo."
Ang nag-produce ng album ni Chloe ay StarPop, na isa sa mga music label ng ABS-CBN Music.
So umaasam ang mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa na mapagbibigyan ng ABS-CBN ang kanilang hiling na pagsamahin ang dalawa sa isang album, song, o concert. Tiyak daw kasing pasabog ito.
KAUGNAY NA BALITA: After ni Fyang: Chloe SJ pasabog sa album launching, Caloy todo-suporta