December 15, 2025

Home BALITA National

Mga pulis, may dapat bawasan para lumiit ang tiyan—Rendon Labador

Mga pulis, may dapat bawasan para lumiit ang tiyan—Rendon Labador
Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Natanong ng mga miyembro ng media ang fitness coach at tinaguriang "motivational speaker" na si Rendon Labador kung ano ang puwede niyang maibigay na payo sa mga pulis para mas mapabilis ang pagpapaliit ng tiyan.

Aniya, ang pinakamabilis na paraan ay pagbabawas sa pagkain ng kanin o rice, na hindi nawawala sa hapag-kainan ng mga Pilipino.

Kapag sinabayan daw ito ng tamang work-out, tiyak daw na mababawasan ang tiyan ng ilang pulis na problema ito.

Bagama't may fitness program naman daw ang kapulisan, ang problema raw kasi ay hindi sila sabay-sabay ng mga gawain: may mga nagpupunta sa gym, nagzu-zumba, naglalakad, tumatakbo, o naglalaro ng basketball.

National

‘Impeachment process, 'di sapat para mapanagot si VP Sara!’—Ex-DOF Usec. Cielo Magno

This time daw, kailangan daw sabay-sabay upang ma-motivate silang magpaliit ng tiyan at magpapayat.

Ayon kay Rendon, handa na siyang kumasa sa "93-Day Weight Loss and Fitness Challenge" para sa hanay ng kapulisan ng Philippine National Police (PNP), kaugnay pa rin sa panawagan ni PNP Chief Nicolas Torre III na magpapayat sila, at kung hindi, ay posible silang masibak sa tungkulin o puwesto.

Bukod sa exercise at fitness, babantayan din ni Labador ang nutrition ng mga pulis na sasailalim sa kaniyang challenge upang makasabay sa tamang work-out na kaniyang ididisenyo para sa kanila.

Ngayong araw ng Huwebes, Hunyo 19, ay nagsadya na sa Camp Crame sa Quezon City si Labador kaugnay nito.

Sa panayam naman ng media kay Labador, sinabi niyang nilapitan siya ng Police Community Affairs and Development Group para sa nabanggit na fitness goal para sa kapulisan.

Aniya pa, gagawin daw niya ito nang libre para sa kanila.

KAUGNAY NA BALITA: Rendon Labador, papapayatin mga pulis na bochog at malalaki ang tiyan