June 17, 2025

Home BALITA National

Tabachoy na pulis, sisibakin ni Torre sa serbisyo 'pag di pumayat

Tabachoy na pulis, sisibakin ni Torre sa serbisyo 'pag di pumayat
Photo courtesy: MB

Matatanggal daw sa serbisyo ang mga pulis na "overweight" ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III kung hindi raw sila magbabawas ng timbang sa loob ng isang taon.

Iyan ang pahayag ni Torre sa isinagawang panayam sa kaniya ng Super Radyo DZBB, Martes, Hunyo 17.

Ayon kay Torre, nakasaad naman daw ito sa Department of the Interior and Local Government Act of 1990, na nasa Section 30 ng Republic Act No. 6975, kung saan ang mga opisyal at miyembro ng PNP ay kailangang sumunod sa itinakdang timbang.

"So ibig sabihin, kung may standard weight and height, hindi ka dapat sobra ng 5 [kilos], hindi ka mababa," anang Torre.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student

“After one year, may [there will be] separation from the service,” aniya pa.

Para naman daw sa mga may medical condition, "We'll consult with the NAPOLCOM regarding that matter. Puwede naman actually."

Matatandaang sa pagpasok pa lamang ni Torre bilang bagong hepe, kapalit ng nagretirong si Rommel Marbil, na kailangang i-mintina ng kapulisan ang kanilang physical fitness.

Kamakailan lamang ay sinibak ni Torre sa puwesto ang ilang pulis na "makukupad."

KAUGNAY NA BALITA: Makukupad na hepe, sibak kay Torre!