June 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pinakatotoo raw sa Bahay ni Kuya: Kara David, na-inspire sa ShuKla

Pinakatotoo raw sa Bahay ni Kuya: Kara David, na-inspire sa ShuKla
Photo courtesy: Kara David, GMA Public Affairs (FB)

Very vocal ang award-winning Kapuso journalist-documentarist na si Kara David na sobrang lungkot niya sa pagkaka-evict ng duo na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman o "ShuKla" sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, noong Sabado ng gabi, Hunyo 14.

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

Para daw kay Kara, ang ShuKla raw ang duo housemates na pinakanagpakatotoo sa nabanggit na reality show.

Nagpasalamat ang broadcast-journalist sa dalawa dahil nagbigay raw sila ng inspirasyon sa karamihan para patuloy na lumaban.

Tsika at Intriga

Babala sa parents! Pics ng anak ng socmed influencer, ginamit sa kamanyakan

"Sobrang lungkot. Para sa akin, si Shuvee at Klarisse ang pinakatotoo sa loob ng bahay ni Kuya. Haaaay. Ang lungkot ko talaga ," mababasa sa Facebook post ni Kara.

"Salamat shuvee at klarisse dahil na-inspire n’yo kaming lumaban. Sa buhay, manalo man o matalo… ang mahalaga, lumaban," dagdag pa niya.

Samantala, muli pa ring mapapanood sa PBB ang ShuKla dahil kabilang sila sa opisyal na duo house challengers na susukat sa katatagan ng mga natitirang duos sa Bahay ni Kuya.

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, reresbak? 10 Duo House Challengers, papasok sa Bahay ni Kuya