June 16, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

'Magbabalik ako!' Lolong 'di pa raw tapos ang laban, may part 3?

'Magbabalik ako!' Lolong 'di pa raw tapos ang laban, may part 3?
Photo courtesy: Ruru Madrid (IG)

Palaisipan sa mga netizen kung may season 3 pa ba ang magtatapos na action-fantasy series na "Lolong 2: Bayani ng Bayan" na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Ibinahagi kasi ni Ruru ang ilang mga kuhang larawan at video mula sa kanilang huling taping day para sa season finale.

Sa kaniyang Instagram post ay inilahad ni Ruru kung gaano siya kasaya sa journey niya sa paghahanda para sa nabanggit na serye.

"Walong buwan ng buhay ko ang binuhos ko rito. Hindi naging madali. May mga sugat, pagod, at pagkakataong muntik na sumuko. Pero sa bawat laban, mas tumibay ang loob ko. Mas lumalim ang pagmamahal ko sa ginagawa ko," ani Ruru sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 13.

Teleserye

Bianca Gonzalez, umaasang magiging bigger stars ang ShuKla

"This reminded me—it’s not always about the end result, but the journey that shapes you. Yung araw-araw na pagpili na lumaban, magpakatatag, at maniwala sa proseso."

"Grateful sa lahat ng dumaan sa laban na ’to kasama ko. At sa inyong sumuporta—salamat. You’ve been part of my growth."

"It was a good run. And now, I’m walking into what’s next—wiser, stronger, and hungrier than ever. Tuloy ang laban. Mas malaki ang pangarap, mas buo ang puso."

"Magbabalik ako—dahil ’di pa nagtatapos ang aking laban."

Dahil dito, napaisip tuloy ang mga netizen kung may season 3 pa ang Lolong.

Papalit sa timeslot ng Lolong ang "Encantadia Chronicles: Sang'gre." Wala pang pahayag sa pamunuan ng GMA Network kung may season 3 nga ba ang Lolong.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Lolong 2’ ni Ruru Madrid, namaalam na