Muling nagbigay ng update ang journalist na si Dindo Balares tungkol sa kaibigan niyang si Queen of All Media Kris Aquino noong Sabado, Hunyo 14.
Kalakip ng kaniyang Instagram post ang isang larawan ni Kris habang nakaupo sa kama.
Ayon kay Balares, marami raw silang napagkuwentuhan ni Kris, at pumayag daw ang huli na maisulat niya at i-share sa lahat.
"'Nakita mo na ang kalbaryo ko, Kuya Dindo,'" saad daw sa kaniya ni Kris.
"Ito ang marahan at mahinang sabi ni Kris habang nakahiga at inaalalayan ko siyang maiayos ang lapat ng kanyang ulo sa unan."
"Nasa gitna kami ng isa sa aming mga pag-uusap nang samahan ko siya for 10 days sa kanyang paninirahan sa private resort ng kanyang generous at maalagang family friends."
"Marami kaming mga napagkuwentuhan, at humingi ako ng permiso na isulat at i-share sa kanyang loyal followers pati na pictures."
"Pumayag si Krisy."
"Hindi man sinasadya ni Kris, binigyan niya ako ng biggest lessons sa buhay na ito habang inaalagaan siya," saad naman ni Balares.
"Isusulat at ipo-post ko, aayusin ko lang po muna ang thoughts ko."
Matatandaang nauna nang sinabi ni Kris na nagpapagaling siya sa kaniyang higit limang sakit.