Nagsususpetsa ang ilang netizens sa posibleng kasalang mangyari sa pagitan ng celebrity couple na sina Issa Pressman at James Reid.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, pinag-usapan ang mga lumulutang na larawan kung saan makikitang may suot-suot umanong wedding ring si Issa.
“Nakita raw na parang mayro’ng engagement ring si Issa Pressman do’n sa isa sa mga picture,” sabi ni Mama Loi.
Pero depensa naman ni showbiz insider Ogie Diaz, “Ano naman kung sila ay engaged na? Hindi na naman mga bata ‘yan. Si James Reid e 32 na. Si Issa Pressman 30 na.”
“Diyos ko, ‘di ba. Parang long overdue na ito. Diyos ko! Ano ba naman? Saka naka-move on na naman ang mga JaDine. [...] Mayro’n na ring love si Nadine Lustre,” dugtong pa niya.
Matatandaang naka-love team dati ni Nadine si James at nakilala nga ang tambalan nila bilang “JaDine.”
Pero sa kasalukuyan, ang karelasyon na ni Nadine ay ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou at si James naman ay si Issa.
Kaya sa isang panayam noong Setyembre 2024 sinabi ni James na imposible raw na magkabalikan pa sila ni Nadine kahit pa as love team lang.
MAKI-BALITA: Kahit may Issa Pressman na: JaDine, posibleng magkabalikan?