June 17, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Guro sa Iligan City, may pa-classroom pantry

Guro sa Iligan City, may pa-classroom pantry
Photo courtesy: Melanie Figueroa (FB)

Na-miss mo ba ang "community pantry" noong panahon ng pandemya?

Iyan ang ibinalik at binuhay ng isang guro mula sa Hinaplanon National High School sa Iligan City, Lanao Del Norte, matapos niyang maglagay ng "classroom pantry" sa loob ng kaniyang advisory room, para sa pagbubukas ng klase sa taong panuruan 2025-2026.

Ibinida ni Teacher Melanie Figueroa ang mga larawan ng classroom pantry sa loob ng kaniyang silid-aralan, para sa advisory class niya sa Grade 10.

Laman ng pantry ang iba't ibang school supplies na karamihan daw ay padala sa kaniya ng mga kaibigang nasa ibang bansa.

Human-Interest

State university, naglabas ng pahayag tungkol sa viral post ng estudyante nila

"My classroom pantry is almost full. My way of supporting the learners in my section and to lessen the expenses of parents. These are mostly donated by my friends abroad thru balikbayan boxes.." mababasa sa post ng guro.

"concept ani is returning after use kaso ang uban i bring home kaya i refill nako ..na amazed ko sa mga big staplers na most requested sa mga students.. Basin naa mo pwede ma add on dre.. share na "

"Welcome Grade 10 Spain Batch 2025- 2026!! Goodluck .. May this school year filled with growth, purpose and unforgettable memories " aniya pa.

Si Figueroa ay ginawaran ng parangal at pagkilala ng Office of the Ombudsman sa Northern Mindanao para sa "Ordinary People Doing Extraordinary Act" Award para sa HIP o Honesty, Integrity and Public Accountability.

Siya ang nasa likod ng iba't ibang programa at adbokasiya gaya ng "Laptop Para sa Pangarap," "Adopt-a-Student," at iba pa.

KAUGNAY NA BALITA: Maestra sa likod ng 'Adopt-a-Student,' 'Laptop Para sa Pangarap' at iba pang adbokasiya, pinarangalan