June 17, 2025

Home BALITA Internasyonal

Conti, bumwelta sa pahayag na 'powerless' na si FPRRD: 'Lokohin mo lelang mo!'

Conti, bumwelta sa pahayag na 'powerless' na si FPRRD: 'Lokohin mo lelang mo!'
Photo Courtesy: Kristina Conti (FB), via MB

Nagbigay ng tugon si human rights lawyer Atty. Kristina Conti sa pahayag na powerless na umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantala nitong paglaya sa International Criminal Court (ICC).

MAKI-BALITA: FPRRD, humiling na ng interim release; may bet ng puntahan na bansa

Sa programa nina Ted Failon at DJ Chacha nitong Lunes, Hunyo 16, inihayag ni Conti ang hindi niya pagsang-ayon sa pahayag na ito mula sa kampo ng dating pangulo.

“Lokohin mo lelang mo. ‘Yong mga biktima nga mismo sinasabi nila, sa’n banda hindi siya powerful? Anak niya ay Vice President. At kahit sabihin na nating impeached Vice President, still sits in power,” saad ni Conti.

Internasyonal

Paghahain ng interim release ni FPRRD, masyado pang maaga —abogado

“Mayor siya mismo ng Davao,” pagpapatuloy niya. “In-elect ng kaniyang mga kabayan do’n sa Davao City. And he enjoys to an extent great political support.”

Dagdag pa ni Conti,  “It’s not only him and his family. Parang lima ba o anima sa kanila uupo sa susunod na term sa June 30.”

Bukod pa raw siyempre ang kayamanang taglay umano ng dating pangulo at ang mga Senador na hayagang sumusuporta sa kaniya.

Matatandaang nauna nang naghayag ng pagtutol ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs sa hiniling na interim release ni Duterte sa pamamagitan ng Rise Up for Life and for Rights, isang alyansang nagsimulang mabuo bilang pagtugon sa noo’y dumaraming kaso ng patayang may kinalaman sa droga.

MAKI-BALITA: Pamilya ng mga biktima ng war on drugs, umalma sa interim release ni FPRRD