Nag-face reveal na forthwith ang 10 duo house challengers na muling papasok sa Pinoy Big Brother house para bigyan ng mga hamon ang limang natitirang duos sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ang 10 HC o house challengers, walang iba kundi ang 10 evicted housemates na sina Ashley Ortega, AC Bonifacio, Michael Sager, Emilio Diaz, Josh Ford, Vince Maristales, Kira Balinger, Xyriel Manabat, at ang latest evictees na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.
"SILA NA NGA!" mababasa sa anunsyo ng PBB.
"Ang 10 Duo Challengers na may dalang bagong pagsubok para sa natitirang 5 Duos!"
"Hindi lang sila basta bisita—matinding paghaharap ang naghihintay sa kanila at sa mga Celebrity Duos sa loob ng Bahay ni Kuya," anila pa.
Excited na ang netizens kung paano nila icha-challenge ang mga natitirang housemate duos na maglalaban-laban patungkong Big Night.
Isa pa, inaabangan din kung posible bang makabalik bilang official housemates ang duos na bahagi ng house challengers.
KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Klarisse de Guzman: 'Wala silang ulam sa loob!'
KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!