June 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagkawala ni Klarisse sa PBB, ramdam ng housemates dahil sa pagluluto

Pagkawala ni Klarisse sa PBB, ramdam ng housemates dahil sa pagluluto
Photo courtesy: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (FB/YT)

Ramdam na agad ng celebrity housemates ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" ang pagka-evict ng Kapamilya singer na si Klarisse De Guzman dahil kailangan nang magluto ng mga natirang housemates para sa agahan nila.

Ang duo na "ShuKla" o nina Shuvee Etrata at Klarisse ang latest evictee ng PBB matapos matalo sa votes katunggali ang nominated duos na sina Dustin Yu at Bianca De Vera (DustBia) at AZ Martinez at River Joseph (AzVer).

Naging emosyunal naman ang mga "anak" na sina Esnyr, Will Ashley, at Mika Salamanca sa pagka-evict ng kanilang Mowm Klang.

Sa PBB Livestream nitong Hunyo 15, makikitang sama-samang nagluto ang housemates sa pangunguna nina Mika, Esnyr, at Will, ng adobong manok.

Tsika at Intriga

John Lloyd sa anak na si Elias: 'Araw-araw kaya ko mamatay para sa ’yo!'

Aminado si Will na tila malaking kawalan daw ang kanilang Mowm Klang na siyang in-charge lagi sa pagluluto. Sana nga raw proud sa kaniya si Klang.

Pabirong nagtalo-talo pa nga ang tatlo kung sino sa kanila ang paboritong anak ng kanilang Mowm Klang.

To the rescue din naman sina Dustin at Bianca para remedyuhan ang nilutong adobong manok.

Maya-maya ay tila nami-miss na isinigaw ng housemates na sina Bianca, Mika, Will, Esnyr, at Brent ang pangalan ni Klang na tila nami-miss na siya.

Mababakas naman ang pagiging tahimik at paminsang pagiging tulala ni Will, na isa sa mga naging malapit talaga kay Klarisse.

Samantala, sinabi naman ni Klarisse na sana ay patuloy pa ring suportahan ng mga tao ang housemates.

KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Klarisse de Guzman: 'Wala silang ulam sa loob!'