June 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

OA sa kasweetan! ShuKla, 'Big Winners' sa mga sundo nila

OA sa kasweetan! ShuKla, 'Big Winners' sa mga sundo nila
Photo courtesy: Christina Rey, GMA Network (FB)

Parang "Big Winners" na rin ang evicted duo na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman o "ShuKla" matapos silang sunduin ng mga special someone nila, sa naganap na eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Si Klarisse ay sinundo lang naman ng kaniyang jowang si Christina Rey na proud na proud sa kaniya. Matatandaang nag-come out si Klang bilang miyembro ng LGBTQIA+ community habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Si Shuvee naman, sinundo ng kaniyang special someone na si Anthony Constantino, kasama ang mga kaibigang sina Roxie Smith, Sugar Mercado, Skye Chua, at dating PBB housemate na si Ashley Ortega.

Biro tuloy ng mga netizen, parang "Big Winners" na rin ang dalawa kahit natuldukan na ang kanilang journey sa loob ng Bahay ni Kuya.

Tsika at Intriga

John Lloyd sa anak na si Elias: 'Araw-araw kaya ko mamatay para sa ’yo!'

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!