June 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

May pinapaboran? Kuda ni Vice Ganda sa pagkalabas ni Klarisse, inintriga!

May pinapaboran? Kuda ni Vice Ganda sa pagkalabas ni Klarisse, inintriga!
Photo Courtesy: Vice Ganda, Klarisse De Guzman (FB)

Binigyang-kulay ng isang netizen ang sentimyento ni Unkabogable Star Vice Ganda kaugnay sa paglabas ni Kapamilya singer Klarisse De Guzman sa Bahay ni Kuya.

Matatandaang sa X post ni Vice noong Sabado ng gabi, Hunyo 14, sinabi niyang oras na raw para suportahan ang mahusay na talento ni Klarisse ngayong nakalabas na ito.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, kumuda sa paglabas ni Klarisse sa Bahay ni Kuya

Aniya, “Magandang exposure sa kanya ang PBB para mas makilala ng mga manunuod. At tulad ng matagal ko ng hangad sana mas yakapin sya ng madla dahil may pambihira talaga syang talento.”

Tsika at Intriga

John Lloyd sa anak na si Elias: 'Araw-araw kaya ko mamatay para sa ’yo!'

In fact—ayon kay Vice—may nakaplano raw sana sila ni Klarisse para sa concert nito ngayong taon ngunit naantala umano dahil naging bahagi ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” ang Kapamilya singer.

Sa kabila nito, hindi man naging Big Winner si Klarisse para sa edisyong ito ng PBB, proud pa rin umano si Vice sa kaniya.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, kumuda sa paglabas ni Klarisse sa Bahay ni Kuya

Hindi tuloy naiwasang magkomento ng isang netizen dahil tila may pahaging umano sa ibang housemates ang pahayag ni Vice.

"May shade talaga?! We love them because they're real, they're journey is real and it's not just love team. Kelangan ba talaga sabihin 'yan," saad ng netizen na kasalukuyang deleted na ang account.

Dagdag pa nito, "Manood ka kaya lagi ng livestream. 'Di lahat ng tao perfect but I believe in those who did everything to correct their mistake!"

Ngunit hindi pinalampas ni Vice ang pang-iintriga ng netizen sa kaniyang post. Pinatulan niya ito at sinagot.

Buwelta ng Unkabogable Star, “San galing ang tweet mo? Sinong shinade ko? Sinong housemate ang pinaglalaban mong shinade ko? Alam mo ba ung shade? Yung totoo? Naunawaan mo ba ung tweet? Mahina ang pangintindi?”

Matatandaang ang duo nina Klarisse at Shuvee ang nakakuha ng pinakamaliit na boto mula sa tatlong nominadong duo na umabot lang ng 31.50%, dahilan para magpaalam sila pareho sa Bahay ni Kuya.

MAKI-BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!