June 16, 2025

Home BALITA Internasyonal

Lalaking nagpunta sa India para sa abo ng pumanaw na misis, kasama sa plane crash; 2 anak, naulila!

Lalaking nagpunta sa India para sa abo ng pumanaw na misis, kasama sa plane crash; 2 anak, naulila!
Photo courtesy: Contributed photo

Dalawang batang magkapatid ang naulila matapos makasama ang kanilang ama sa mga pasaherong nasawi sa pagbagsak ng Air India plane noong Hunyo 12, 2025.

Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, kinilala ang biktima na si Arjun Patoliya na pumunta lamang sa India upang tuparin ang hiling ng kaniyang namayapang asawa na isaboy ang abo nito sa isang lugar sa India. 

Ilang linggo matapos masawi sa cancer ang asawa ni Arjun, inuuwi niya ang abo nito sa India. Pabalik na sana siya ng London kung nasaan ang kanilang dalawang anak na apat na taong gulang at walong taong gulang, nang bumagsak ang nasabing eroplano.

Sa panayam ng international media sa ina ni Arjun, hinihintay pa rin nila ang resulta ng DNA sample na kaniyang ipinasa upang matukoy ang pagkakakilanlan ng kaniyang anak.

Internasyonal

Paghahain ng interim release ni FPRRD, masyado pang maaga —abogado

“I gave my blood samples for a DNA test to identify the body of my son at Ahmedabad Civil Hospital on June 12,” anang ina ng biktima.

Dagdag pa niya, “Once we complete all the rituals, we will sit down and decide the future of both girls. If needed, I will fly to London to stay at my younger son’s place and take care of my granddaughters.”

Tinatayang 17 taon na raw nanirahan sa London si Arjun kung saan nakuha niya na ang kaniyang British citizenship. Taong 2017 naman ng maikasal siya sa kaniyang asawa na mula rin sa India at noong 2023 nang tuluyan na rin niyang napetisyon ang misis patungong London.

Noong Hunyo 12 nang bumagsak ang Air India plane na kumitil sa tinatayang 241 kataong sakay ng nasabing eroplano at 29 na sibilyang nadamay.

KAUGNAY NA BALITA: Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad at eksperto kung ano ang naging sanhi ng naturang trahedya.