Naging madamdamin ang Father's Day post ng aktor na si John Lloyd Cruz para sa anak nila ng dating karelasyong si Ellen Adarna, na si Elias, na mababasa sa kaniyang Instagram account.
Ayon kay Lloydie, araw-araw daw ay ipinaglalaban niya ang anak at kaya niyang "mamatay" para sa kaniya.
Ipinagpapasalamat din ng magaling na aktor ang pagdating ng anak sa buhay niya.
"happy father’s day sa atin anak. salamat dumating ka at pinatunayang pwede maging buo bagamat hindi magkasama. araw-araw,pinaglalaban ‘ko. araw-araw kaya ko mamatay para sa’yo. salamat anak. wala na ‘kong mahihiling pa bilang ama. enjoy ka today. hfd to us happy father’s day sa lahat ng mga amang hindi sumusuko sa pamilya. inspirasyon kayo sa aming mag-ama," saad ni John Lloyd sa kaniyang post.
Noong Huwebes, Hunyo 12, ibinida ni John Lloyd ang bonding moment nila ng anak kasama ang partner na si Isabel Santos.
Nagpahayag din ng pagbati si Idan para naman sa tatay niya.
KAUGNAY NA BALITA: John Lloyd Cruz may pasilip sa life, bumati ng Father's Day