Nagdulot ng inspirasyon sa mga netizen ang Instagram post ng host na si Joyce Pring matapos niyang ibida ang pagtatapos sa kolehiyo sa degree program na Bachelor of Arts in Communication sa University of Perpetual Help.
“Diploma o Diskarte? A testament of God’s faithfulness in my life… a dream 15 years in the making,” caption niya sa kaniyang Instagram post.
“Sharing with you my story of finishing my undergraduate degree after all these years.”
Aniya, bata pa lamang siya ay mahal na niya ang learning. Para sa kaniya, escape patungo sa iba’t ibang worlds ang pagbabasa, parental figures naman ang mga guro, at isang lugar na nagpaparelax at nagpapakalma ang mga paaralan.
Graduate daw pala bilang salutatorian si Joyce sa grade school, at nakapasok naman sa Quezon City Science High School, at nakapasok sa kaniyang dream university bilang “Iska” o “Iskolar ng Bayan” kung tawagin nila.
Pero sinubok sila ng kapalaran dahil nagkaroon sila ng financial at family instability na naging dahilan para huminto siya sa pag-aaral. Dito ay kinailangan na raw niyang kumayod para makatulong sa pamilya.
Sa loob daw ng 13 taon ay inilagay siya ng Panginoon sa media at nagamit ang talento para kumita siya ng pera. Naging TV at radio anchor o host siya lalo na sa GMA Network. Nakatulong daw ito sa kanila upang bumalik sa stability ang kanilang finances maging ang pamilya.
2023 daw, hinikayat siya ng kaniyang manager at mentor na si “Mama Betchay” na bumalik sa pag-aaral dahil sa kaniyang potential. Nag-obey naman siya, at isinikreto muna ang kaniyang pag-aaral sa lahat habang nag-aaral siya.
Kaya ngayon, nakuha na niya ang tinatawag na “fruit of labor” matapos niyang makapasa sa thesis, at finally, graduate na siya.
Pinasalamatan niya ang mga taong nakatulong sa kaniyang journey at nagsilbing inspirasyon niya, lalo na sa mister na si Kapuso actor Juancho Triviño.
Congratulations, Joyce!