June 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR
Photo courtesy: CAAP/Facebook

Binulabog ng bomb threat sa loob ng palikuran ng isang eroplano ang Zamboanga International Airport noong Sabado, Hunyo 14, 2025.

Ayon sa mga ulat, natagpuan ng isang cabin crew mula sa Cebu Pacific flight 5J851 ang nasabing bomb threat na nakasulat sa rolyo ng toilet paper sa loob ng banyo ng eroplano kung saan nakasulat ang mga salitang “may bomba.”

Agad na ipinagbigay-alam ng cabin crew sa ground security personnel ang nasabing banta sa kanilang seguridad, na mabilis namang sinaklolohan ng mga awtoridad.

Napag-alamang galing ng Maynila ang naturang airline na naghatid ng mga pasahero sa Zamboanga. Nagsasagawa ng inspeksyon ang cabin crew sa buong eroplano nang matagpuan ang nakasulat na bomb threat sa tissue.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

Samantala, bandang 8:59 naman ng umaga nang idineklara na ng mga awtoridad na under control na ang sitwasyon at walang natagpuang kahit na anong bomba sa loob ng eroplano at paligid ng airport.

Nagbabala naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko patungkol sa pagbibiro ng anumang porma ng bomb threat.

“The public is strongly reminded that bomb threats, whether made verbally, in writing, or through any other means are punishable under Presidential Decree No. 1727, which criminalizes the malicious dissemination of false information concerning bombs or explosives,” saad ng CAAP.