Nagbaba ng abiso ang Department of Migrant Workers (DMW) para matulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naiipit sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Matatandaang naglunsad ang Israel ng malawakang pag-atake sa Iran noong Biyernes, Hunyo 13, na pinangangambahang maging mitsa ng mapanganib na digmaan sa rehiyon.
Sa latest Facebook post ng DMW noong Sabado, Hunyo 14, inisa-isa nila ang mga emergency hotline na puwedeng tawagan para sa agarang tulong at impormasyon. Narito ang sa Middle East hotline.
24/7 DMW-OWWA Hotline (Pilipinas): 1348
Kung nasa abroad: +63 2 1348
Viber / WhatsApp (tawag o text):
• +63 908 326 8344
• +63 927 147 8186
• +63 920 517 1059
Samantala, ang mga sumusunod naman ay hotline ng embahada ng Pilipinas at Migrant Workers’ Offices sa Israel, Lebanon, at Jordan.
ISRAEL
• Embahada sa Tel Aviv: +972 54 466 1188
• MWO: +972 50 762 2590
• OWO: +972 50 715 6937
LEBANON
• Embahada sa Beirut: +961 70 858 086
• MWO: +961 79 110 729
JORDAN
• Embahada sa Amman: +962 7 7907 7775 ; +962 7 7721 9000
• MWO: +962 7 8149 1183 / +962 7 8519 1891
Hinikayat ng ahensya na manatili muna sa loob ng kani-kanilang bahay ang mga OFW sa mga nasabing bansa at manatiling konektado sa kanilang opisina. Nakiusap din silang iwasan ang pagbabahagi ng mga impormasyong hindi kumpirmado.
Sa huli, tiniyak ng DMW ang kaligtasan ng bawat isang OFW sa pamamagitan ng patuloy na pagtutok sa sitwasyon kasama ang ibang ahensya tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).