June 15, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, kumuda sa paglabas ni Klarisse sa Bahay ni Kuya

Vice Ganda, kumuda sa paglabas ni Klarisse sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Vice Ganda, GMA News (FB)

Naghayag ng reaksiyon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos mamaalam sa Bahay ni Kuya si Kapamilya singer Klarisse De Guzman kasama ang ka-duo nitong si Shuvee Etrata.

Sa X post ni Vice nitong Sabado, Hunyo 14, sinabi niyang oras na raw para suportahan ang mahusay na talento ni Klarisse ngayong nakalabas na ito.

“Magandang exposure sa kanya ang PBB para mas makilala ng mga manunuod. At tulad ng matagal ko ng hangad sana mas yakapin sya ng madla dahil may pambihira talaga syang talento,” saad ng Unkabogable Star.

Dagdag pa niya, “Matagal na kong naniniwala at humahanga sa husay ni Klarisse. At matagal na rin akong nanghihinayang dahil parang di sya masyadong nabibigyan ng pansin. Kaya ako na mismo ang nagproduce ng concert nya para mabigyan sya ng moment to shine. Dahil deserve nya.”

Events

ShuKla, reresbak? 10 Duo House Challengers, papasok sa Bahay ni Kuya

In fact—ayon kay Vice—may nakaplano raw sana sila ni Klarisse para sa concert nito ngayong taon ngunit naantala umano dahil naging bahagi ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” ang Kapamilya singer.

Sa kabila nito, hindi man naging Big Winner si Klarisse para sa edisyong ito ng PBB, proud pa rin umano si Vice sa kaniya.

“Congratulations Klarisse! I have always been proud of you. Andito lang ako. Ang MEME mo na laging susuporta sayo. I love you Klang!” pahabol pa ng Unkabogable Star.

MAKI-BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!